Mula Aparri Hanggang Jolo

Dear Senator Tito Sotto,

Nabasa ko po itong sinabi niyo about sa 1000 na budget na binigay sa CHR. Sabi nyo po,

Sinuswelduhan ka ng gobyerno, ng taongbayan, tapos kontra ka nang kontra sa sinasabi. Hindi bale yung kontra eh pero pinipintasan mo pa, hindi maganda talaga yun,” 

For your information po, may mandato po na kailangan sundin ang CHR,  hindi sila kumokontra basta-basta. Alam naman natin na ang patayan na nangyayari ngayon ay kadalasan wala nang due process. Eto po simpleng meme, kung ano ang mandato ng CHR.

Ngayon kung hindi niyo pa rin maintindihan yan. Eto po ang halimbawa.

“May tatlong pulis, pangalanan natin silang Vic, Joey at Richie.  Nag conduct sila ng Tokhang sa bahay nina Aling Bebang, tapos nang makita nila ang anak ni Aling Bebang na ang pangalan ay Pepsi, na maganda at Sexy, ginahasa nila ito no walang awa. Sa sitwasyong ito, since pulis ang nagsagawa ng krimen si Aling Bebang lalapit sa Commission on Human Rights. Kasi bahagi ng gobyerno ang mga pulis.

Pero kung sila, Vic, Joey at Richie ay hindi member ng alagad ng batas, at ordinaryong tao lang, like artista or komedyante, at ginahasa nila si Pepsi ang dapat lapitan ni Aling Bebang ay ang mga pulis. Kasi mandato ng mga pulis ang hulihin ang mga kriminal.

Yun nga lang minsan, pag may kapit ang mga kriminal sa mga matataas na pulitiko, minsan hindi nakakamit ang hustisya. Ang mga taong ganito sinususunog sa impyerno ang kaluluwa kahit buhay pa?  May kilala ba kayong ganitong tao, Senator Sotto?”

I hope naexplain ko ng maigi ang mandato ng CHR sa inyo sa pamamagitan ng memes at mga halimbawa.

Wag na po kayong magpasalamat. Libre lesson na po yan. At sana bigyan niyo ng tamang budget ang CHR.

Galit sa Kunsintidor ng mga Rapist,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *