May Pag-asa pa mga Beshie!

Dear KaPAB,

Hindi ako nakapag blog kagabi, sobrang pagod ko sa biyahe. Nainvite po ako ng Diocese of Alaminos para magsalita about Responsible Blogging at Countering Fake News in Social Media. Resibo.

Akala ko mga pari lang ang audience ko, I was surprised nang makita ko na ang babata pa ng social media warriors nila. Resibo.

Galing sila sa iba’t ibang diocese ng Northwestern Luzon. Mga kabataan na gusto ng tamang pagbabago. Mga batang gustong labanan ang lumalaganap na sakit of fake news.

Nung nagsasalita ako, nakita ko sa mga mata nila ang kagustuhan nila na mabago ang sistema. Ang maibalik ang tamang values ng mga Pilipino.

Ito ang mga kabataang sumisimbolo ng mga batang Pinoy na mulat sa mga nangyayari sa paligid. Pinalaki nang tama ng mga magulang.

Kung sa murang edad nila gusto nilang tumulong sa paglaban sa fake news, anong excuse ng mga matatanda para hindi kumilos at magsalita?

Ang laban ng fake news ay laban ng bawat Pilipino. Responsibilidad natin na labanan ang kasinungalingan.

Kudos sa mga pari at organizer  na gumagawa ng hakbang para manaig ang katotohanan at ang tama. Resibo.

Fr. Jeffrey Segovia, SaNLUPa Social Media Convergence Director; Fr Reynaldo Romero, SocCom Dir ALD; Fr Fernan Estrada; Fr A R Del Castillo, SocCom Dir Alaminos; Fr Jazel Collado, SocCom Dir Urdaneta; Fr Angelo Lopez, Fr Jufer Lopez; Fr Al Manacmul III, SocCom Dir ASF Pampanga; Fr Louie, SocCom Dir, Sn Jose NE.

Super pagod man ako sa halos 10 hours na byahe, but its all worth it kasi alam ko sa puso ko na ang mga taong nakinig sa discussion ko ay mga taong nasa tamang lugar ang puso. Lalo akong nainspire nang pinadalhan ako ng message ng isang participant. Resibo.

Ang laban sa fake news ay laban nating lahat. Eto na ang panahon na kailangan nating magkaisa para sugpuin ang ganitong sistema.

Patuloy na Lalaban para sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *