Luh, Parang Hindi Naman, Sec. Harry

Dear Secretary Harry Roque,

Nitong mga nakaraang araw naaawa po ko sa inyo. Kasi po halos araw-araw kayong nagrere-angle sa mga sinasabi ng Malacañang. Kahapon po, nabasa ko to. Resibo.

Una po, sino po ba ang may pasimuno sa revolutionary government? Hindi po ba ang mga social media trolls niyo? Resibo.

Lakas niyo pa ngang makasabi ng “We” eh hindi naman lahat sumasang ayon sa RevGov na yan.

At saka mismo ang presidente walang bukambibig kung hindi ang RevGov di ba? Resibo.

Ngayon kasi nilangaw ang rally kaya medyo kambiyo kayo. Duh.

Take note may pa-tshirt at palugaw pa yan, resibo.

Ano nga ba uli partido ng Presidente? Di ba PDP-Laban? Ayan oh food truck niyo pala ang may dala ng lugaw na pinakain sa rallyista eh. Kung may pagsasabihan ka ng move on, unahin mo partido ng Presidente at saka humarap ka din sa salamin, pagsabihan mo din sarili mo.

Move on, move on daw, tse! Move on mo mukha mo!

Yamot sa Mga Ipokritong Palaka,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *