Lahat na lang Talaga

Dear Atty. Aileen Lizada of LTFRB,

Lahat na lang po destabilization? Resibo.

Ma’am, ang strike po na nangyayari ngayon, ay resulta po ng hindi pag acknowledge niyo ng consequence sa inyong panukala.

Una, gusto niyong magmodernize ang mga jeepney, gusto niyong iphase out ang mga luma nilang jeep. Saan mapupunta ang luma? Ipakilo kay Mang Tasyong magbabakal? Ano ang magiging epekto nito sa pamilya ng mga jeepney drivers? Gutom at pahirap. May mga anak yan na pinapaaral at may mga sikmura na kumakain. Kung sakali mang nag rarally yan ngayon, hindi dahil sa destabilization, kung hindi gusto nilang pakinggan niyo mga hinaing nila.

Sabihin natin, modernization jeep para class tingnan. Ang makikinabang lang dito ay ang mga businessman na kayang mag kapital ng ganitong kamahal na mga jeep. Kasi hindi naman kaya ito ng mga kababayan nating jeepney driver.

Isang solution niyo ay pautangin para makabili ng makabagong jeep? Ibabaon niyo na naman sila utang.

Last July my transport strike din di ba? Resibo.

Ibig mong sabihin may destabilization na July palang?

Konting hatching destabilization agad? Grabe sya oh.

Pakinggan niyo sila, bigyan ng angkop na solution problema nila. In short, wag paranoid.

Yamot sa mga Praning,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *