Isang Pagpupugay sa mga Bayani

Dear AFP,

Sa wakas po, napagtagumpayan niyo po ang pagbawi muli sa Marawi. Isang pagpapasalamat po galing sa puso ng bawat Pilipino.

Anim na buwan na pakikipaglaban, 160 ang mga nasawi, at maraming sugatan, ngayong araw na to, tuluyan kayong nagtagumpay sa laban sa mga terrorista.

Ayon sa report,

Clean kills from 4th Light Reaction Company sniper team and rangers from the 3rd Scout Ranger ‘Excelior’ Battalion got the privilege of delivering the final blow to Isnilon Hapilon and Omar Maute.”

Maraming salamat din po, sa tulong ng USA, kahit lagi po kayong namumura at nababastos at tinulungan niyo pa rin kami. Resibo.

Good job po kay Secretary Lorenzana, General Año at sa lahat ng sundalo kasama ang kanilang pamilya.

Tanggapin niyo po ang aming pagpupugay.

Kayo po ang makabagong bayani ng panahon!

Sumasaludo at Lubos na Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *