Kapamilya at Kapuso Stars Nagkaisang Ipagtanggol Ang ABS-CBN

Dear KaPAB,

Sa gitna ng panggigipit ng rehimeng Duterte sa ABS-CBN, nagkaisa ang mga boses ng mga celebrity para ipakita ang kanilang pagtutol.

REGINE VELASQUEZ

Sa mga fans ng ni songbird, your queen have spoken.

Mahaba ang sinabi ni songbird and she made a point. Sa mga fans ni Regine tama ang pag-idolo niyo sa kanya. Sana sabayan niyo siya para mas marinig ang boses Niya.

ANGELINE QUINTO

May punto siya. Sa gitna ng problema ng bansa ang priority ng rehimeng Duterte ay pagpapasara ng istasyon. Ang solusyon sa Corona Virus ay pagsampal daw, tama ba yun?

ENCHONG DEE

Again, pinakita ni Enchong ang kahalagahan ng batas at demokrasya. Matapang siyang nanindigan. Sa mga kasamahan ni Enchong sa industriya sana kumuha kayo ng tapang mula kay Enchong.

ANGEL LOCSIN

As always pinakita ni Darna ang puso niya. Mas inisip ang mga katrabaho niya behind the camera, kay sa sarili. Tama si Angel, dahil sa galit ng iisang tao, libo-libong tao ang mawawalan ng hanapbuhay. Sa mga fans ni Angel sana masamahan niyo sa pagtayo sa tama

VICE GANDA

Kilala natin si Vice Ganda na sumuporta kay Duterte, pero ngayon nagsasalita na din siya.

Yun nga lang ang inaway niya ang mga trolls kasi nagpapakalat ng fake news. Mali ang mga trolls, pero sana maisip ni Vice Ganda na ang mga trolls are just doing their job. May conductor yan na nagcocompass. Mas maganda na idirect niya ang galit niya kung sino ang puno’t dulo kung bakit nangyayari ito sa ABS-CBN. Kaya lang mukhang nag-aalangan pa ang lider ng mga ponies.

DINGDONG DANTES

Eto ang pinaka sa lahat. Kapuso ang network, pero hindi nagdalawang isip na ipagtatanggol ang ABS-CBN. Mas importante para kasi kay Dingdong ang karapatan pangtao.

Marami pang mga bituin ang sumunod na nagsalita. Naway magkaisa ang boses ng mga celebrity at fans nila para marinig ang boses ng pagtutol sa ginagawang panggigipit ni Duterte.

Panahon na para magsalita.

Ipaglalaban Ang Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *