Fake News si Tatay Diggy

Dear President Duterte,

Kaya siguro kumakalat ang fake news kasi kayo ang promotor. Resibo.

Luh, grabe sya oh. Si Marcos talaga ang idol. For your information po, sa panahon po ni Former President Ramos, nagkaroon ng AFP Modernization Act. Resibo.

Bagamat natigil ito nung 1997 financial crisis, pinagpatuloy ito ng administrasyong Aquino. Resibo.

At saka wag nga po kayo, di ba pinintasan niyo pa ang pag purchase ng F50 ni Pnoy dati. Sabi niyo waste of money. Resibo.

Kung may nagpakita ng pagmamahal na totoo sa sundalo si Former President Aquino yun, kasi ang laki nang nilaan na budget sa modernization at di kailangan mabaon tayo sa utang. Resibo.

Ikaw nga po, Mr. President, nangako ng dobleng sweldo sa sundalo, hanggang ngayon, nganga pa rin. Mabuti pa si Former President Aquino siniguro na may increase sila for the next 3 years kasi bago natapos term niya pinirmahan niya ang Salary Standardization Law. Kayo puro lang kuda.

Kaya yang statement mo na “Only I and Marcos gave full attention to soldier needs”, ikwento niyo po yan sa pagong baka maniwala. Wag kami, may resibo po kami.

Wag kasi fake news, kaya hindi yan masugpo kasi sa inyo nagsisimula.

Yamot sa Nagpapakalat ng Fake News,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *