Bothered daw si Senator Villar

Dear Senator Villar,

Balita ko po nabother daw po kayo sa bawas na 50 bilyon na budget sa DPWH?  Resibo.

Dahil ba ito mababawasan ang budget ng departamento kung saan ang head ay ang anak niyo po? Or dahil affected ang ilan sa mga properties niyo?

May reason naman pala kung bakit dapat tanggalan ng 50 bilyon ang DPWH. Resibo.

Oo nga naman, kung ang mga budget sa right of way ng DPWH ay sobrang laki tapos ang mga may-ari ay unknown, dapat lang bawasan ang budget.

Hindi pa pala kilala ang may- ari. Unknown ang name ng titulo? Ano yan multo? Alien ang may ari, ganun? So paano niyo sila binayaran?

Luh, grabe sila oh. Pilit pinaglalaban ang mali.  Yung pagtutol niyo po, hindi niyo ba naisip na conflict of interest yan, kasi anak mo ang head ng DPWH?

Wala namang shortage ng delikadesa eh, puwede pong gumamit paminsan minsan.

Yamot sa Political Dynasty,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *