Apo Whang Od and Manila Fame

Dear Organizers of Manila Fame,

Ang dami nang nagcomment about what happened to your event. Maari ang intention niyo ay tama sa pagdala kay Apo Whang Od dito sa kabihasnan, siguro nagkaproblema lang sa execution.

Base sa social media news, hindi matatawaran ang saya ni Apo Whang Od nang makita niya ang idol niya na si Coco Martin.

Syempre forever niyang maaalala yun.

Dito tayo nagkaproblema sa pinaglagyan niyo sa kanya during the exhibit. Resibo.

 

Para kasing nilagay niyo sya for display tapos magtatatoo pa pala sya. I understand po when you said na kagustuhan po ni Apo ang magtattoo, pero sana nilipat niyo sya sa lugar where she will be comfortable with. I heard 120 na tao ang nagpatattoo. For a 100 years old, that is too much po.

Tapos kumalat pa ang picture na to sa social media.

Dito po halata nang pagod na si Apo. Sana nag initiate na lang kayo po kayo na itigil na muna ang presscon at hayaan munang magpahinga ang matanda. But  its good na may explanation pala tungkol dito. Apparently nabore pala si Apo at di niya maintindihan ang sinasabi kaya yumuko sya at yun ang nakuhanan ng pic.

Pero kahit nangyari ang lahat ng ito, alam kong uuwing masaya si Apo kasi bukod sa nakita niya ang idol niya na si Coco Martin, may dala pa syang pera na 800k na makakatulong sa kanya at sa tribu niya.

Let this be a lesson na lang po sa inyo para sa sunod na mga event ay hindi na mauulit.

Nangangaral ng Slight,

PAB

P.S. Sana po para makabawi din po kayo, tulungan niyo pong makuha ni Apo ang kanyang Centennial Award kahit walang birth certificate. Di ba po through dental analysis puwede mahulaan ang edad?

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *