Contreras, Natanggal sa Radio Show

Dear Professor Contreras,

Hi po. Nabasa ko po na natanggal po kayo sa Karambola radio show.

I am sorry to hear that po. Pero bakit naman po si VP Leni agad ang sinisi niyo po. Sino po ba ang producer? Sino po ba ang may ari? Sinabi po ba ng may ari sa inyo ng station directly na si VP Leni ang dahilan?

Eto ha, logic lang. Sabi niyo one year na kayo, bago ka pa tinanggap diyan alam nila na inaaway mo na si VP Leni. At sa loob ng one year lagi mong tinitira si VP, kung totoo ang sinasabi mo, dapat matagal ka nang natanggal. Tama naman po di ba?

Suggestion lang po, ask the station manager kung ano ang rason, karapatan niyo yan, bilang empleyado.

Wag naman po lahat ng kamalasan nangyayari sa inyo ay si VP Leni ang sinisisi niyo agad. Di naman kayo related at feeling ko nga hindi kayo naiisip ni VP, busy sya kaya sa #AngatBuhay projects niya.

Anyway, sana makahanap kayo ng radio station na mapapasukan niyo uli, after niyong maimbestigahan kung sino talaga ang may pakana ng pagkatanggal niyo. Turo kayo ng turo, baka kayo manuno niyan.

Naaawa ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *