Drug War Ni Digong, Palpak!

Dear KaPAB,

Nilabas na ni VP Leni ang kanyang report. Ayun sa kanya “Binuhos ng pamahalaan ang oras at budget sa panghuhuli sa mga maliliit na nagtutulak ng droga sa kanto-kanto.

Totoo naman. At large pa din si Kumpareng Peter Lim.

Sinabi din ni VP Leni: Tila nakaligtaan ang napakahalagang aspeto ng programa — ang pagtugis kung saan ba galing ang iligal na droga.”

Eto ang pinakamasaklap.

According to VP Leni. 
PNP: 156,000kg circulating shabu/year x 3 = 468,000kgs in 3 yrs

PDEA – only 3,164kgs seized in 3 yrs (2016-1344, 2017-785, 2018-1035) @Simply_Clinton

Lumalabas na kulang na kulang ang nahuhuli nila. 3164/468,000 = 0.67% lang!

Kaya pala lalong dumadami ang drug addict ayun kay Presidente mismo kasi palpak ang tokhang ni Duterte.

Tatlong taon na, libo-libo na ang mga namatay tapos 1% lang  Ang nahuling shabu?Panahon na siguro para baguhin ng presidente ang strategy niya na mahihirap lang ang pinapatay. Simulan niya na panagutin ang mga tao na nagpasok ng bilyon-bilyong shabu.

Sa ngayon umuusok ang ilong ni Panelo sa pagdepensa Ng kapalpakan ng amo Niya.

Hahahahha! Hahahahha!

Yamot Sa Palpak,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *