VP Leni at President Duterte Parehong Sinabi Na Failed Ang Drug War!

Dear KaPAB,

By now nalaman niyo na ang report ni VP Leni Robredo, na palpak ang strategy na tokhang sa loob ng ilang taon na panunungkulan ni Duterte.

Real numbers tayo.

 

 

Ang data na pinagbasehan ni VP Leni ay galing mismo sa gobyerno. Wala namang missing element dito eh, basic math lang ito. Hindi ako magaling sa Math pero may kaibigan ako na magaling. And nakuha ko sa kanya ang computation na ito.

GIVEN:

1. Data from Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group 

3,000 kilos of shabu consumed EVERY WEEK across the country   

2. Record of shabu seized by PDEA in the last 33 months

Jan to Oct 2019: 1,344 kgs

2018: 785 kgs 

2017: 1,053kgs

Solve for X: % of drugs seized vs consumption

Formula:  

X = (Sum of drugs seized ÷ projected consumed within the given period) x 100%

    = (1,344 + 785 + 1,053) ÷ (3000 x 153 weeks) x 100%

    = (3,182 kgs ÷ 459,000 kgs) x 100%

    = 0.00693246187 x 100 %

    = 0.6%

 

Mabait pa nga si VP Leni eh kasi niround-off pa niya to 1%, pero ang totoo 0.6% lang talaga. At saka sinabi na rin ni President Duterte noon pa na palpak talaga.

 

 

Tinulungan lang ni VP Leni si President Duterte na magkaroon ng basis ang sinabi niyang palpak. At least ngayon may quantitative data na na magpapatunay na palpak talaga. Thanks to VP Leni Robredo.

Ngayon na ang presidente at vice presidente ay nag agree na palpak ang drug war, panahon na siguro na dapat baguhin ang pamamalakad ng kampanya laban sa droga.

18 days lang si VP Leni pero natulungan niya agad ang pamahalaan para masukat kung success or fail ang kanilang ginagawa. Yung iba sa paligid ni Duterte, hanggang ngayon nga nga pa rin.

Sa totoo lang dapat. Kung mali baguhin, kung tama Ipagpatuloy.

 

Sawa na sa Kapalpakan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *