Bakit BASURA Ang Quo Warranto Ni CALIDA?

Dear KaPAB,

Etong bagong imbento, este, quo warranto ni Calida ay maliwanag na panggigipit ng administrasyon ni Duterte. Bakit? First intindihin natin kung ano ba ang Quo Warranto or Rule 66?

Rule 66 of the Rules of Court authorizes the Solicitor General or a public prosecutor to initiate a quo warranto petition against a public officer deemed to be usurping his or her office, or having been found to not be qualified for office in the first place.

So parang nag file si Calida Ng quo warranto at sinasabi niyang hindi qualified mag operate ang ABS-CBN from the very start.

Pero yung dahilan sa case ni Calida kaya gusto niyang iparevoke ang franchise ng ABS CBN kasi daw nagbebenta sila ng TV Plus at KBO channels.

Una, kailan ba naisabatas ang franchise ng ABS-CBN?

ABS-CBN’s franchise is approved, March 30, 1995 through Republic Act No. 7966, with an expiration date on March 30, 2020.

Kung hindi qualified ang Kapamilya Network from the very start bakit sa panahon lang ni Duterte nagkaroon ng ganitong gulo? Kasi nga mapaghiganti si Duterte.

Yung nirereklamo ni Calida na KBO channel at TV Plus, hindi ba niya naisip na bago yun nag operate ay kumuha muna yun ng permit sa kakulangan ahensiya bago sila nag operate.

Eto ang sagot ng ABS-CBN sa mga paratang ni Calida.

Sabi nga ng batikang abogado na si Atty. Tony Laviña:

“Quo warranto is not a proper remedy for the kind of issues being raised against ABSCBN by the Solicitor General. Quo warranto is intended to oust a person, public official, or corporation acting that is now qualified or without authority. That is not the case here. The Supreme Court is not a trier of facts. Based on the grounds given, cases should be filed against ABSCBN in the National Telecommunications Commission and the Securities and Exchange Commission. I am confident they will be dismissed there.”

Kung ang reklamo Ni Calida ay tungkol sa PDC or Philippines Deposit Receipts dapat sa Securities And Exchange Commission siya nagfile, kung ang problema niya ang TV Plus at KBO dapat sa National Telecommunication Commission siya nagfile. Bakit diretso agad sa Supreme Court at Quo Warranto agad?

Lahat na lang may short cut sa gobyernong ito para lang makapaghiganti sa mga kagalit ng Presidente.

Muli mukhang gusto na namang baliktarin ang batas ng administrasyon na ito.
Oras na para magsalita ang bawat Pilipino, oras na dapat iparinig sa Palasyo ang ating pagtutol.

Let’s stand with ABS-CBN. Let’s stand with Press Freedom!

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.