A Tough Love Letter to VP Leni Robredo

Dear Vice President Leni Robredo,

I am one of your supporter, kasi po nakita ko ang magandang pamamalakad niyo po bilang vice president. Nakikita ko po ang sincerity niyo sa pagsisilbi at kung paano kayo makisalamuha sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Hindi iilang beses na pinagtanggol kita laban sa fake news at paninira sa yo ng mga propagandista.

Pero may tamang oras po ang lahat. Kayo ang sumisimbolo sa bawat ina, asawa anak.

Ilang beses na kayong pinaparatangan na kabit ni Congressman Bolet, ilang beses ko na rin kayong pinagtanggol kasi alam ko na hindi naman totoo kasi naniniwala ako sa mga sinasabi niyo.

Ilang beses ng nilalapastangan ang pagkatao niyo pero pinipili niyong manahimik or hindi gumawa ng aksyon. Pasensya na po VP, pero hindi ito ang panahon ng pabebe, kailangan niyo pong ipagtanggol ang sarili niyo sa mga ganitong paninira.

Kung hindi kayo gagawa ng action at sampahan ng kaso ang dalawang ito, paulit -ulit nilang babalahurain ang pagkatao mo, sisirain ang pangalan ng pamilya mo pati mga anak mo madadamay sa paninira sa yo.

Hindi ito ang panahon na kailangan maging tahimik. Ang daming nangyayari sa palibot. Paano ka po namin maipagtatanggol pa, eh wala naman kayong gagawing action for yourself ?

Paano mo maipagtatanggol ang mga naaapi, eh hindi mo nga maipagtanggol sarili niyo po?

Ang ginagawa ni  Sasot and Mocha  sa yo ay mas malala pa sa ginawa nila kay Trillanes. Kasi sa yo po hindi lang po pagkatao ang binalahura sa inyo po, pati ang pagkababae niyo.

This post ay maliwanag na libelous statement.

Hindi pa rin po ba kayo kikibo?  Hindi pa rin po ba kayo sasampa ng kaso?

Kung wala pa rin kayong gagawin kahit paulit ulit ang pagbalahura sa pagkatao niyo, I guess walang saysay na ipagtanggol at suportahan pa din kayo.

Sabi nga di ba?  Paano mo tutulungan ang isang taong ayaw naman tulungan ang sarili niya.

You need to be brave for yourself and for your family. Kung kaya nilang gawin yan sa  yo at hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo, imagine ang kaya nilang gawin sa ordinaryong tao?

You may hate me for this, but as your supporter, I will call you out sa nakikita kong hindi na po tama.

Tapos na ang panahon ni Maria Clara, ang kailangan sa panahong ito ay ang katauhan ni Gabriela Silang.

Ang tao. Ang bayan. Ngayon ay lumalaban. Sana po mahanap niyo sa puso niyo ang katapangan na kailangan niyo para ipagtanggol ang sarili niyo. Nandito lang kami sa likod niyo to support you po.

Isang Supporter na Napapagod na ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *