So Totoo pala Talaga ang Plano ng DOJ at VACC

Dear Secretary Aguirre,

So totoo talaga ang plano niyo kay Senator Risa Hontiveros?

Ang mga kasong ito ay pagkumpirma sa collusion sa pagitan ng DOJ at VACC. Bistong-bisto na, buking na buking na, nagpapalusot pa.

Himayin natin ang kaso na isasampa niyo ha. Una

Kidnapping

Matanong ko lang, nasan ba ang bata ngayon?  Na kay Senator Hontiveros ba? Di ba nasa Parish Church ng Caloocan? Kasama pa nga ang Tatay eh. So sino ang kinidnap?  Luh, kidnap daw, pero kasama ng Tatay. Mga baliw lang.

Obstruction of Justice

Kasama ng mga menor-de-edad na testigo ang kanilang tatay sa kustodiya ni Bishop David kasi wala silang tiwala sa DOJ. Hinadlangan ba ni Senator Risa ang pagpapatupad ng batas? Di ba nga tumulong pa siya?

Wiretapping

Luh siya, naka-font-size 40 ka sa cellphone na alam mong maraming media at photographers sa likod mo. Syempre makukunan ka ng picture at nagpo-plot ka pa ng pekeng kaso laban sa isang Senador habang nasa Senado! Hindi yun wiretapping, KATANGAHAN po  yun.

From FAKE HAIR, to FAKE NEWS now FAKE cases naman.

May totoo pa po ba sa inyo?

Gamit na gamit niyo ang VACC ha.  Anyways, alam naman natin na basura ang case na ipafile niyo, gusto niyo lang talagang mang harass ng tao.

Hope Karma will visit you! Tubuan sana ng sangkaterbang balakubak ang kalbong sinungaling.

Nagdadasal sa Mabilis na Pagtubo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *