The Spectacular Opening And The Fake Lighting of “Kaldero”

Dear KaPAB,

Pag-usapan natin ang opening show ng SEA Games kagabi.

PERFORMERS

 

Sobrang galing ng productions at mga performers. Ang galing ni Director Floy Quintos. Pinakita sa mga sayaw kung ano ang kultura natin sa iba’t-ibang panig ng bansa.  Nakakaproud ng makita mo ang mga players na naglalakad bitbit ang ating flag.

 

Pero yung goosebumps talaga sa akin ng pumarada ang mga legends natin na gold medalist sa mga nakaraang SEA Games.

 

World class din ang mga singers natin. Iba talaga ang talentong Pinoy. Congratulations sa lahat ng production staff, dancers, singers at lahat ng performers.

The Fake Lightning of “Kaldero”

Umaga palang hindi na pinapasok sa  New Clark City ang mga reporter. Balita na walang sisindihang kaldero. Sabi nila noong nakaraang araw araw, test run lang.

 

Yun pala nagrecord na sila para ipalabas sa Philippine Arena. Sa mga nakaraang SEA Games sa ibang bansa ganito ang pagsindi nila ng cauldron nila.

“flying diver, malaysia 2017

dna on fire, singapore 2015

lit arrow to the lotus cauldron, myanmar 2013

flying badminton player, indonesia 2011”

Tayo pre-recorded lighting na nga mukhang peke pa ang pag pailaw ni  Manny. Nilean lang niya ang torch, umilaw na? May kasamang camera trick.

 

Ayaw ng mga organizers sa peke, pero pinepeke naman nila tayo. To think 50 milyon ang kaldero na yan ha? Tapos ganun lang ang pinakita sa atin.

Kudos sa mga performers at production staff lalo na kay direk Floy Quintos at sa nakaisip ng pre-recorded na pagsindi ng 50 milyon na kaldero na yan, mag-resign ka na.   Now na!

 

Yamot Sa Mga Peke,

PAB

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *