The Leader That We Need For 2020

Dear KaPAB,

Lumipas na ang 2019, ang daming pagsubok ang pinagdaaanan ng ating bansa. Mula sa sari-saring corruption, epidemiya, sakuna at iba’t-iba pang kamalasan.

Epidemiya

Sino ba ang dapat sisihin kung bakit nagkaroon ng epidemiya? Ang mga tao ba na takot magpabakuna or ang mga nasa posisyon at mga trolls na nagtanim ng fake news about Dengvaxia scare.

 

 

Dahil takot na ang mga tao sa bakuna, measles, dengue at maging polio outbreak ay dinapuan na ang bansa natin. May nanagot ba? May tinanggal ba ang presidente sa kapalpakang ito? Wala.

CORRUPTION

Sino ang makakalimot sa imahe na ito.

 

 

Habang ang iba sa ating mga kababayan ay natutulog na gutom ang ibang pulitiko at ginamit ang 50 milyon para sa isang kaldero na minsan lang gagamitin. Sabi ng presidente papaimbestigahan daw niya ang nangyari ng SEA Games pero Mukhang malilibing na naman ang isyu na ito kasabay ng pagdaan ng 2019.

SAKUNA

Ilang sakuna ang dumaan sa atin, na ang unang reaksyon ng pangulo ay matulog? Kahit sa Mindanao pa mismo nangyari ang sakuna.

 

Kabaliktaran naman sa ginawa ni VP Leni na agad nagpadala Ng tulong kung saan may sakuna.

 

 

Natapos ang taon parehong mataas ang rating sa survey ng dalawang leader. Si Presidente will all the resources and logistics in his hands, hindi pa rin nakakabangon ang Marawi, tuloy-tuloy pa din ang patayan. Ang corruption nandiyan pa din nagpapalit lang ng player

Si VP Leni sa limitadong pondo ay maraming natutulungan. Laging handa sa oras ng sakuna.

 

 

Sa kabila ng pang-iintriga sa kanya kaliwa’t kanan. Sa kabila Ng araw-araw na paggawa Ng fake news ng mga trolls nanatili pa din ang hangarin Ni VP Leni Robredo ang magsilbi ng tapat.

Sa 2020 mukhang magiging makulay ang taon para sa bansa. With ICC closing in at Magnitsky Law marami tayong aabangan.

Ang kailangan natin ay isang lider na tapat at laging handa. Yun Ang deserve na bayan natin. Yun Ang deserve natin.

Manigong Bagong Taon!

 

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.