So Ang Mga Mangingisda Pa Natin Ang May Kasalanan?

Dear Secretary Teddyboy Locsin,

Grabe naman po ang resulta ng imbestigasyon niyo.

 

Bakit naman po parang ang mga mangingisda pa natin ang may kasalanan? Sabi mo dapat may lookout at may ilaw. Siguro po hindi pa kayo nakakakita ng mga fishing boat sa gabi no?

 

 

Ganito po itsura niyan, napapalibutan po yan ng ilaw.  At sinabi yan ni Kapitan Junel, na may ilaw sila habang nakatigil sa gitna ng dagat.

So bakit sila sisisihin eh nangingisda sila sa sarili nilang karagatan? At bakit nakakalimutan na yata na iniwan ang ating mangingisda para malunod? Kung talagang walang intensyon na masama bakit hindi sila tinulungan?

 

 

Tama si Gideon Lasco sa Twitter.

“Blaming our  fishermen for not having a lookout when a Chinese vessel rammed their boat is like blaming people for not having a security alarm when someone robbed their house.

When will the kowtowing end? Our China-subservient foreign policy is abominable and unacceptable.”

Hindi na kayo naawa. Parang tinatraydor niyo na ang bayan niyan.

 

Yamot Sa Mga Mapang-api,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *