Sass Pinagtanggol Na Naman Ang Kabastusan Ni Duterte

Dear Sass,

Hindi ko alam kung bakit sumentro ang galit mo kay Pia Ranada ay nagrereport lang naman siya sa kabastusan ng poon mo.

 

Hindi sakit ang pagiging gay. He used that word to describe Trillanes. And now, eto ang interpretation mo? Nangangalaiti ka kay Pia Ranada samantala binabalahura na ni Duterte ang pagkatao mo?

 

Joke? Pang ilang beses na bang ginamit ni Duterte ang salitang bakla sa panlalait ng iba? Ginamit niya ito sa mga pari.

 

 

Ginamit niya din ito sa oposisyon noong nakaraang halalan. Tinawag niyang bakla ang kalabang kandidato, particularly si Hilbay.

 

Tapos sinasabi mong joke lang? Ang daming nakikipaglaban para lang magkaroon ng pantay na karapatan at proteksyon ang LGBT community, pero dahil sa kabastusan ni Duterte, pinapalala niya lalo ang diskriminasyon sa komunidad.

Sabagay, pareho kayong bastos ang bunganga ni Duterte, kaya di na dapat magtaka kung bakit mas pinili mong ijustify ang pambabastos niya kaysa ipagtanggol mo ang pagkatao mo.

Kadiri.

Yamot Sa Balahura,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *