Sasagasaan ang Mga Mahihirap

Dear President Duterte,

Napirmahan niyo na pala ang TRAIN. Sabi niyo Christmas gift ito sa mga Pilipino. Resibo.

Weh, di nga? Ito simpleng explanation lang to ha. So sabi niyo sa tax reform package na to, tataas ang take home pay ng mga nagtatrabaho. Resibo.


So ang mga 250k wala na silang tax, pag lumampas doon yun lang bubuwisan. Masaya yan para sa mga middle class na may trabaho. Pero paano naman to?

So tataas ang presyo ng mga softdrinks at bottled juice. Ok lang kaming may mga trabaho, may pam buffer pa, kasi tumaas net take home pay namin. Paano po si Mang Delfin magtataho, papasanin din niya ang pagtaas ng presyo kahit wala syang net take home pay na tataas? So tubig tubig na lang muna si Mang Delfin at pamilya niya?

Eto pa ang masaklap, ang pagtaas ng buwis ng gasolina. Resibo.


Alam naman natin kung ano ang kasunod nito, mag sisitaasan ang presyo ng lahat ng produkto kasi nga halos lahat may transportation cost. Mukhang dito palang ubos na ang tinipid namin sa excise tax eh. Lalo na yung mga mahirap na walang sweldong inaasahan, buwan-buwan.

Eto ang mga tataasan ng buwis. Resibo.

Ang pinakamabigat yung tax on coal. Gumagamit ng coal ang mga electric company, so ibig sabihin na tataas na naman ang presyo ng kuryente!

So paano po itong naging Christmas gift? Eh mukhang ang mga mahihirap na taong bayan ang masasagasaan dito eh.
So saan ang malasakit, aber? Try niyong bawasan ang junket niyo ang budget niyo sa PCOO at mga trolls para hindi ang mamamayan ang pinapahirapan niyo!

Merry Christmas daw, gloomy Christmas kamo, tse!

Inis sa Pahirap sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *