Sana Makauwi Sila Ngayong Pasko

Dear KaPAB,

Pumunta ako kanina sa UP para bisitahin ang mga Lumad nating kapatid na nakatira doon, limang buwan nang nakalipas.

Naalala niyo ba noong sinabi ni Pangulong Duterte na sinabi niya na bombahin ang mga eskwelahan ng mga Lumad? Resibo.

Sa sobrang takot nila, umalis sila sa Mindanao pumunta dito sa Manila para iparating ang kanilang kalagayan doon. Ang iba sa kanilang katribu namatay na. Yung mga magulang pinasama ang mga anak nila para mailigtas.

Eto si Rorylyn at Beverly, ang mga magulang at kapatid nila nasa evacuation center sa Mindanao. Tumulo ang luha ko ng ikwento nila kung paano nila kinailangan maghiwalay na pamilya para mailigtas lang sila. Pero miss na miss na daw nila ang mga kapatid nila. Gusto nilang makapiling sana ngayong pasko.

Eto ang tinitirhan nila sa UP.

Sako ang dingding at tolda ang bubong. Tinanong ko ang dalawang Nanay kung paano pag umuulan or bumabagyo.

Sabi nila, tinatakpan nila ang gamit nila baka mabasa, at nagkukumpol sila sa isang gilid para hindi mabasa. Sa mga oras na masarap ang tulog natin sa ating bahay pag bumabagyo, ang mga kapatid natin na mga Lumad ay walang tulog dahil sa lamig at ulan.

Gusto na nilang umuwi sa kanilang lugar sa Mindanao, at sana makapiling ang mga mahal nila sa buhay ngayong pasko.

Pero kailangan nila ng 200k para maka pamasahe sa 110 tao, pauwi ng Mindanao. Sana matulungan natin sila.

Puwede niyo silang puntahan sa UP or puwede niyo pong ideposit ang tulong niyo sa:

The Quezon City Public School Teachers Association

393-54-99-000-19 PNB

UP campus branch

Kanina habang inabot ko ang konting tulong na nakayanan ko, tumulo ang luha ko. Naisip ko sa Pasko, kakain tayo ng masasarap pero sila magtitiis sa lamig at gutom na hindi kapiling ang pamilya.

Sa December 23, plano nilang bumiyahe pabalik sa Mindanao, pero hanggang ngayon kulang pa din ang pamasahe nila. Meron pa po tayo tonight hanggang bukas para maipaabot ang tulong sa kanila.

Kumakatok po sila sa mga puso niyo, na sana tulungan niyo silang makapiling ang pamilya nila ngayong pasko.

Di ba ang pasko pag-ibig? Let us give love before Christmas day.

Kapatid ng Lumad,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *