Sana Ayusin Muna ang Trabaho Bago Makialam sa Iba

Dear Ate Mocha,

Wala po bang masyadong gawain ang office niyo po at nagka-oras po kayong tirahin si Ms. Kris Aquino e wala namang ginagawang masama sa yo. You posted this. Resibo.

Una po, wala naman pong sinasabi si Kris Aquino na she is planning to run. Bakit ka atat? May mga word ka pang “going back to your unfaithful boyfriend”. Talagang ginamit mo ang ads ng PLDT na walang kinalaman sa political agenda mo para balahurain si Kris Aquino at ang pamilya niya ha. Pati si Cory Aquino na nasa kabilang buhay na dinamay mo pa.

Lagi mong tinitira si Pnoy na pinagnanasaan mo dati. Resibo.

Hindi kaya hindi ka lang napansin kaya ganyan ang panggagalaiti mo sa mga Aquino? Tinitira mo si Senator Bam Aquino, who passed 19 bills into law kasama na yung “RA 10931” na kung saan libreng makakapag aral ang mga magkokolehiyo? Resibo.

Tinitira mo si Kris Aquino na nagbabayad ng tamang tax at nagpapasa ng tamang SALN? One of the Top taxpayers nga oh. Resibo.

Ano po ba sa inyo ang definition ng “matinong” boyfriend?

1. Yung merong unexplained wealth? And ayaw pumirma ng waiver?

2. Yung bumubula ang bibig ng “kill,kill,kill”, “druga,druga, druga” at puro pagmumura?

3. Yung pumapatay na walang due process? At walang respeto sa karapatang pantao?

4. Yung lalaking gustong maunang manggahasa at kahit bangkay ng madre pinagnanasaan pa?

5. Yung may multiple na kabit?

6. Yung kunwari galit sa mga addict pero tahimik sa 6.4billion na shabu?

Aba, kung yan po ang definition niyo ng matinong boyfriend, kailangan niyong magpacheck up. Kasi that is not a good way of thinking.

Ang dami ng naging ad model ng PLDT kung ang purpose mo lang is maimprove ang service ng PLDT bakit mo kailangan idamay ang mga Aquino? Galawang propagandista ka eh. Masaklap pa kasi taong bayan ang sumusweldo sa yo, pero hindi mo naman ginagawa ang trabaho mo ng tama.

Maiba ako, natraining niyo na ba ang mga staff niyo kung paano ang tamang pagpost sa mga pages? I hope may training din about not to post fake news. Ate Mocha, make it sure na sa unahan ka maupo ha, para mahasa kang mag post ng totoo. Nakakahiya naman kasi ang 130k mo na sweldo tapos fake news lang ang post mo di ba?

Yamot sa Inggiterang Mema,

PAB

P.S. Pakiedit ng “costumers” sa post mo. Ano yan, customer na naka costume? Duh.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *