Sa Gitna Ng Epidemya, ChaCha Pa Rin?

Dear KaPAB,

Tatawid na tayo sa 12k Covid19 positive pero eto ang mababasa mo from DILG.

Ito ba talaga ang dapat na priority? Mass testing ang kailangan, government support sa mga mawawalan ng hanapbuhay, PPEs para sa mga frontliners, pagkain sa mga magugutom. Bakit Charter Change? Para lumawig ang termino na palpak?

Gaano ka insensitive ang gobyernong Ito? Yung bawal ang domestic flight para sa ordinaryong mamamayan kasi Yun ang batas pero mismo ang pangulo ang bumali dito.

Tapos gusto pa extension Ng term? Ay matindi talaga.

Tama si Senator Kiko Pangilinan.

“Hirap na tayong hanapin kung saan kukunin ang pondo para masolusyunan ang napakalaking pinsalang dulot ng pandemya sa ating ekonomiya. Ang dapat nating tinutukan ngayon ay ang pagtugon sa epekto ng pandemya sa kalusugan ng ating mga kababayan at sa kalusugan ng ating ekonomiya.

Pinakahuli sa isip natin ang Charter change ngayon. Itong ginagawa nila ay lutang sa kasalukuyang katotohanan at insulto sa milyun-milyon nating mga kababayang nawalan ng trabaho, na nakararanas napakalubhang gutom, at patuloy na pinagbabantaan ng pagkakalat nitong sakit na walang lunas.

Sa halip na gamitin ang kaban ng bayan at mga kawani ng gobyerno sa pangongolekta ng milyun-milyong pirma, dapat tututukan ng DILG ang mass testing at contact-tracing ng milyun-milyon nating mga kababayan — na hindi pa nagagawa hanggang ngayon, dalawang buwan na ang nakalipas matapos mapasa ang batas na nagbibigay sa Malacañang ng special powers para magamit ang bilyun-bilyong piso para matugunan ang pandemya.”

Humihingi na naman ng supplemental budget si Duterte para sa second tranche ng SAP, pero may pondo sa Charter Change.

Instead of Chacha, Tango na lang.Tanggalin ang GaGO sa gobyerno.

Hay naku!

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB

 

 

 

Facebook Comments