In Reply to Krizette Chu

Dear Krizette Chu,

Nabasa ko ang mga katanungan mo sa post po. Ito po ang mga katanunga nyo. And by the way sana cite mo din tong source mo kung saan selective mong kinuha ang mga issue.

Nevertheless sagutin po kita.

“Do they know, for instance, that in 2015, the Philippines was tagged as the country with the highest impunity rates in the 2015 Global Impunity Index by the Impunity and Justice Research Center of the University of the Americas Puebla? Impunity–getting away with murder, exemption from punishment.”

Yes po, I read the report. Isa sa mga reason why nilagay ang Pilipinas dun, kasi sa mabagal na pag-usad ng Ampatuan case. The study really is just to show a country’s ability to prosecute crimes and how they’re doing it. That’s what the structural and functional criteria mean. Dami kasing pinatay nung kasong yun. Sa dami nang involve kaya naging mabagal kasi different process bawat isa. Kaya nalagay Pilipinas diyan.

Pero may news po ako sa inyo, ngayon pong 2017 under your Poon Duterte’s administration, eto po ang lumabas sa Global Impunity Index.

Global Impunity Index | Pinoy Ako Blog
*The 13 countries with the highest impunity index are: 1. Philippines (75.6 pts) 2. India (70.94 pts) 3. Cameroon (69.39 pts) 4. Mexico (69.21 pts) 5. Peru (69. 04 pts) 6. Venezuela (67.24 pts) 7. Brazil 8. Colombia 9. Nicaragua 10. Russia 11. Paraguay 12. Honduras 13. El Salvador.

This study is recent, done in 2017. Venezuela, known to have the highest incidences of violence and impunity in the world, as benchmark. And yet the Philippines surpassed it.

Eto po ang sitwasyon natin ngayon.

SECOND QUESTION:

“Do they know that in his speeches, Aquino promised the end of extrajudicial killings? Which means there really were EJKs.”

Yes, sinabi yan ni Pnoy kasi nga mainit pa noon ang Ampatuan case. That is an EJK di ba. Every administration may mga nagaganap talagang EJK, kaya nga nandiyan ang CHR to check it. Pero ngayon sobrang blatant kasi kinukunsinti ng namumuno. Comparing EJK cases sa lahat nang naging Presidente sa EJK case ni Duterte baka mas marami sa Poon mo, all presidents combined.

THIRD QUESTION:

“Do they know that in 2014, the HUMAN RIGHTS WATCH said many of the killings in the Ph were politically motivated, and many killings were never solved?”

Pero bakit po cherry picking ng issue? Hindi mo binanggit na sinabi din sa report na,

Although Aquino managed to significantly lessen the number of extrajudicial killings since he took office in 2010, politically motivated killings were still frequently reported, the Human Rights Watch (HRW) said in its 2014 World Report.”

Key word po, “frequently”, ngayon po kasi daily.

FOURTH QUESTION:

“Do they know that in September of 2015, the executive director of a school, along with two other lumads were allegedly killed by members of the Magahat-Bagani, an alleged paramilitary group linked with the AFP?”

I researched the Magahat -Bagani. Yes,  this group exist before and crimes were committed. And its wrong. In fact the PNP and AFP  that time also did an investigation. Comparing them to crimes committed in the present administration is way too far. Remember when Duterte threatened to bomb lumad schools? Or check the stats na lang, 13,000 and counting.

FIFTH QUESTION :

“Do they know that Chito Gascon’s immediate predecessor Etta Rosales has long had a conflict with Duterte, one of the reasons is Duterte once told her, “YOUR NAME IS ON JANET NAPOLES’s LIST FOR THOSE WHO ASKED FOR CASH ADVANCE.” This was when Duterte was still a Mayor. Yes, Duterte has dirt on many of the past admin’s people. Yes, they still want to make Duterte pay for what he knows.”

Make Duterte pay?  Sino ba ang nag-utos sa mga pulis? Parang may mali. Kung galit man ang mga tao walang dapat sisihin kung hindi ang Poon mo. Remember this? Anong kinalaman ni Rosales at Gascon diyan?  Inutusan ba siya?

News Article Rodrigo Duterte | Pinoy Ako Blog

SIXTH QUESTION :

“Do they know that Duterte threatened the rice smugglers when he was the Mayor of Davao, and said, if they don’t get out I will kill them? And Etta Rosales and the CHR sided with the smugglers because Duterte shouldn’t say anything like that?”

Ms. Chu,  Duterte threatened to take the law into his own hands and kill suspected smugglers in his city. Hindi po ba mali yun?  Mali po kayo sa sinabi niyong Etta Rosales sided with the smugglers, kasi Etta Rosales, sided with the law. Kasi nga mali ang ilagay ang batas sa kamay niya kasi may mga pulis na naman tayo para gumawa nito.

SEVENTH QUESTION :

“Do they know military brutality is not new, see: PALPARAN, and was infamous during the time of GMA and was largely ignored by AQUINO? When leftists–Students – were killed and tortured?”

Dito po nagsinungaling kayo when you said largely ignored by Aquino. Kailan ba nahuli si Palparan? 

Jovito Palparan | Pinoy Ako Blog

Aug 2014, panahon ni Pnoy. Ang hirap sa inyong mga propagandista mahilig kayong magfeed ng mga half truth at minsan fake news pa. Paano mo masasabing largely ignored eh nag effort ang mga military na mahuli sya? Syempre hindi na mag eeffort ang mga DDS magbasa or magresearch kung totoo o basura ang mga pinagsasabi mo.

EIGHTH QUESTION :

“So bale, ok lang dati? Kahit edad ni Kian? Do you even know the names of the two girls who disappeared?”

To answer your question, yes i know their name,  Sherilyn Cadapan and Karen Empeño.  No hindi ok dati at lalong hindi ok ngayon. Yung nangyari sa mga kabataan with Palparan ang daming rally din nangyari at nagsalita din ang mga tao, and you failed to mentioned that all these happened during GMA’s time and past administration.

NINTH QUESTION :

“Do they know uso ang tinatawag na “whitewashing” during 
There was an Administrative Order No. 35, s. 2012 of the Aquino administration, which created an interagency task force on extrajudicial killings, torture, and enforced disappearances, among others. So sila sila lang din nag imbestiga ng sarili nilang tao.”

Aquino government did their part by creating a task force to investigate at the same time gumawa din ang CHR. So, you mentioned “white washing” remember the Espinosa case where your very own DOJ downgrade the case to homicide para makapag piyansa and your very own Lord Digong ay binalik sya sa pwesto?

Wag kang ipokrito para ipoint  out sa nakaraang admin ang mga half truth and sometimes lies pa na mga accusation when this present admin na sinasamba mo ay mas grabe pa ang ginagawa.

TENTH QUESTION :

“O akala ko ba importante Ang CHR? Bakit hindi din ginamit masyado nung time ni Aquino? Bakit Hindi kasama sa pag imbestiga ng mga tiwaling pulis at militar? Bakit yung mga kaputahang iniimbestigahan yung pagsayaw ng bata sa Wowowee?”

Nagamit naman  ang CHR nung panahon ni Pnoy,  ngayon lang sila kailangan mag overtime kasi sa garapalang state sponsored killings na nangyayari.

No, these haters woke up and thought the world was perfect before Duterte. They thought nobody died. They thought Aquino and the CHR protected their rights.

Hindi kami haters lang, mga tao kaming mulat na nakikita ang pagdanak ng dugo araw-araw.  Alam namin na may mga EJK cases din noon, pero hindi si Pnoy ang nag uutos gaya ng nangyayari ngayon na as per instruction ng taong sinasamba mo.

Our enemy is their ignorance. The stumbling blocks of progress is an ignorant population who had it so good, the peeling back of layers of this current administration is a shock to their systems. And now they want us to be as blind as them. Mga hunghang.

Now, kung may ignorante man dito ikaw po yun, nagcite ka ng sample study ng 2015 para majustify ang patayan ngayon, but you did not cite the study ng 2017 and the 13,000 EJK and counting. That is ignorance. Kung may bulag man dito, ikaw po yun. Kasi mas pinili mong ipikit ang mga mata mo sa  araw-araw na patayan.

Sa post mo parang sinasabi mo na since nangyari na before dapat hindi na kami mag react ngayon? Ke sampu or isang daan ang namatay na walang due process mali pa rin yun. Yan ang pinaglalaban ng mga tao. Hindi lang haters ang mga yan. Mga taong mulat yan, na nararamdaman ang kawalan ng katarungan sa rehimeng Duterte.

At ano ang connection ng indignation rally sa 21 sa pinagsasabi mo?  Pupunta ang tao dun para magpahayag ng di pagsang-ayon sa mga nangyayari. EDSA revolution did not happened overnight. Pasensyosa ang mga Pilipino hanggang kayang tiisin tinitiis pero darating ang araw mapupuno din ang salop.

Wag mo kaming utuin sa mga cases na sinabi mo na kinopya mo lang naman sa article sa isang news.  Yang mga dialogue mo sinabi yan ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay during sa interview niya with CNN.  Dapat ang ang simula ng post mo ay,

Do they know according to Secretary General Palabas…  or do they know according to CNN reports last December 9, 2015″

Gaya-gaya puto maya,  para lang masabi na may sense. Tse! Eto ang link ng ginayahan ng post mo.

Ang point ko lang,  mahilig kayong magpost ng wala sa hulog just to justify ang bangungot na kinalalagyan ng bansa ngayon. Cognitive dissonance at its finest ang mga hirit mo Miss.

Since half truth ang mga sinabi mo at ginaya mo lang sa isang news article, dinagdagan ko na ng research at binuo ko na ang mga history facts baka kasi akalain ng mga followers mo lahat ng yan nangyari during Aquino’s term. Alam mo naman most of DDS ay TAMAD magbasa at magverify.

No need to thank me sa pag verify, libre na yan.

Hindi Tamad Mag Fact Check,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *