Puwede Naman pala

Dear Supt. Byron Allatog,

Una po, gusto ko pong magpasalamat sa pinakita niyo pong mabuting halimbawa sa mga kabaro niyo po sa PNP.

Sa gitna po ng madugong kampanya laban sa droga, mas pinili niyo po kung ano ang tama. Hindi kaya nasilaw sa monetary award or sa promotion.

Marami pong salamat at mas pinili niyo pong pahalagahan ang buhay at karapatang tao. Mapalad ang Bogo City, Cebu PNP at kayo po ang Chief of Police nila.

Puwede naman pala maging matagumpay ang kampanya na walang dugong dadanak. Ayon sa report po,

“Since July 2016, at least 1,955 users in the city had surrendered to the police, while 45 drug pushers had been arrested in different police operations. No one was killed.”

Puwede naman pala maging drug free ang isang lugar na walang batang mawawalan ng magulang o magulang na mawawalan ng anak.

Ayon sa report ng PDEA,

“Bogo also became the first city in Central Visayas and the second in the country to be declared drug-free by the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).”

Puwede naman pala magkaroon ng ganitong pananaw ang isang pulis.

Allatog Quote

Kung sana si General Bato at lahat ng kapulisan ay gaya po ninyo, wala na sanang, Kian, Carl at Kulot na namatay.

 

Sana po pag nakausap kayo ng Presidente, bigyan niyo sya ng payo or pag nakausap niyo si General Bato, ibahagi niyo po sa kanya ang best practices niyo po. Baka sakali na lang mapigilan ang lalong pagdanak ng dugo.

Daghan salamat po. Idol ta ka.

Lubos na Humahanga,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *