Pilit Binabaluktot ang Katotohanan

Dear Sir Raffy Alunan,

Isa ka sa mga respetado at matalinong tao na hinahangaan ko dati. Nitong mga nakaraang araw you shared and posted this.

Pinapalabas niyo na Commission on Human Rights does not exist for want of an enabling law. Parang wala syang legal existence. Pero di po ba nung nakaraan lang ang reason niyo kung bakit tama lang na 1000 ang budget nila kasi sabi niyo hindi nila ginagawa trabaho nila?  So bakit iba na naman po ang script niyo ngayon?

Hindi po ako kasing talino niyo po, pero try ko pong maintindihan to ha.

Balikan natin ang kasaysayan.

Di ba po nung napalayas natin si Marcos, si Cory ang nainstalled as a leader ng revolutionary government?

Tapos po, nagkaroon tayo ng constitution nung February of 1987? Tapos nung May 5, 1987,  pinirmahan ni Cory ang Executive Order 163 creating the Commission on Human Rights? Ang CHR ang pumalit sa dating Presidential Commission on Human Rights na created din ni Cory dati. Kasi di ba po since revolutionary government dati may legislative power din sya as head of the government?

Ngayon ang pinagmamarakulyo ng mga DDS, na wala na daw legislative power si Cory kasi sa ating constitution ngayon ang legislative power na paggawa ng batas ay dapat sa kongreso lang. Kaya sinasabi niyong hindi legal ang CHR.

Sir Raffy, mali po kayo, pakisabi na rin sa mga kakulto niyo po. Basahin niyo po ang Transitory Provision ng ating Constitution.

Section 6 of Article VIII of the 1987 Constitution provides that “the incumbent President shall continue to exercise legislative powers until the first Congress is convened.”

Balik uli tayo sa history.

Yung unang election ng members ng Congress ay May 11, 1987. After election ang mga nanalo ay nagconvened July 4, 1987.

Tandaan niyo po sir Raffy, ang CHR ay napirmahan May 5, 1987. 3 months after nagawa ang constitution, pero mas early naman siya kung saan nagconvene ang congress kasi di po ba July 4, 1987, so four months earlier?  Tama po?

Under Section 6 of the Transitory Provisions of the 1987 Constitution, mawawalan lang ng legislative power si President Aquino kung magconvene na ang congress and nangyari to noong July 4 nga.

So base sa mga dates na sinabi ko at facts, siguro naman naiintindihan niyo na nang pinirmahan ang pag create ng CHR ni Cory, may legislative power kahit naratify na ang constitution, kasi klaro po oh. Sabi sa Constitution natin,

Section 6 of Article VIII of the 1987 Constitution provides that “the incumbent President shall continue to exercise legislative powers until the first Congresss is convened.”

Incumbent president is Cory po di ba? Therefore yung creation po ng CHR ay valid po kasi puwede pang gumawa ng batas si Cory that time kasi may legislative power pa sya while waiting for the congress to convene sa July 4.

So mali po kayo. Sir I understand you are a DDS, pero sana wag niyong kalimutan ang pinag-aralan niyo para lang sumuporta sa mga maling panukala.  Tapos Sir, nagpost pa kayo ng unconstitutional na mga dokumento. Gaya ng EO-163A, na nagsasabing nasa presidente ang pag appoint ng Chairman at Commisioner ng CHR. Eto po oh.

Yun pala that EO was considered illegal by the Supreme Court noon. Eto po ang kaso at link po.

EO 163-A was declared unconstitutional by  The Court ruled that CHR commissioners DO NOT serve at the President’s pleasure, and that they are entitled to FULL term in accordance with status as independent constitutional commission.

Sana pinaliwanag niyo po sa mga followers niyo po. Kasi para na rin kayong purveyor ng fake news niyan.

Walang masama kung maging die hard supporter basta wag lang mapagkamalang tangang supporter.

Sana po nakadagdag po ako sa napakalawak niyo na pong kaalaman. Walang bayad po ang research na yan. Free na po for you.

Hindi Tamad Magbasa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *