Pilipinas Kaya pa ba?

Dear Pilipinas,

Hanggang kailan mo kakayanin ang ganitong patakaran? Hanggang kailan mo kakayanin ang madugong daan?

May bago na namang CCTV na lumabas na kung saan ilang kapulisan ay walang awang pinatay ang 3 tao kahit hindi naman naglaban. Resibo.

15 sila armado na sumugod. Base sa video, pinaalis muna nila ang mga testigo tapos walang awang binaril ang tatlong lalaki. Resibo.

Bawat taong pinapatay ay parang mga hayop na binabaril. Nagtataka pa tayo kung bakit sirang sira na ang Pilipinas sa buong mundo, eh mismo ang programa ng presidente ang sumisira sa ating imahe.

Hanggang kailan mo kakayanin ang lahat bayan ko? Binabalahura na pagkatao mo, kailangan nang marinig ang boses mo.

Nakikidalamhati,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *