PHISGOC On Alleged Taped Lighting of “Kaldero“: ”It Does Not Matter, It’s A Television Show

Dear PHISGOC,

Talaga lang ha,  sinabi niyo ito?

 

 

Maybe hindi niyo naintindihan ang significance ng pagsindi ng napakamahal na kaldero na iyan. Paliwanag ko ha, ang pagsindi niyan ay hudyat ng pagsisimula ng SEA Games. Kung sinindihan niyo yan noong November 26, ibig sabihin nabastos niyo ang event kasi hindi pa open ang SEA Games noong araw na ‘yun..

Pangalawa, nagsinungaling kayo sa taong-bayan sabi niyo live mangyayari ang lighting of Kaldero.

 

Tapos niyo pa test run lang yung nangyari noong Nov. 26.

 

Yun pala nag pre-record na kayo ng video. Kung naging honest lang kayo hindi magsasayang ng oras ang mga tao doon na pumunta, kasi akala nila sisindihan na ang kaldero na yan.

Pangatlo, huwag nating kakalimutan na 50 milyon ang halaga ng kalderong iyan at 5 milyon para sa pagpapailaw sa entire duration. Kung matino ang pagkagawa niyan hindi kayo mamomroblema na sindihan uli iyan sa araw mismo ng opening.

Ayaw niyong binabatikos kayo pero kayo naman ang pasaway. Kasalanan ba namin kung magdemand kami ng transparency at accountability eh buwis namin ang winawaldas niyo?

 

Yamot Sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *