Panibagong Fake News

Dear DDS,

May bago na naman bang instructions ang troll farm? After mabisto ang fake news achievement, ngayon si VP Leni Robredo na naman ang gagawan ng kwento. Eto ngayon ang kumakalat na fake news.

Di umano sinabi daw ito ni VP Leni. Kung titingnan mo, walang link kung saan sinabi, walang video man lang na magpapatunay na totoo. Halata mo talagang imbento.

Kung tutuusin, kayong mga DDS na nagshare ng fake news, dapat kayong mainsulto, kasi ang tingin sa inyo ng mga pages na kakampi niyo mga UTO-UTO. Kaya nila pinopost yan kasi ang tingin nila sa inyo bobo at walang discernment.  Akala nila tanga kayo na hindi mag-iisip bago ishare. Tingin nila sa inyo walang utak at magrereact agad kayo na hindi man lang nag veverify.

Double whammy no? Ginagamit na nga kayo sa propaganda, ginagawa pa kayong tanga. Binabalahura na ang pagkatao niyo ng hindi niyo nalalaman.

Yung mga propagandista na nagbibigay sa inyo ng fake news, hindi niyo kakampi yan kasi pinagmumukha kayong tanga sa mga kaibigan at pamilya niyo.

Sabi ko nga ok lang maging die hard supporter pero wag lang tangang supporter.

Pilipino ka. Matalino ka. Wag mong hayaang lokohin ka ng paulit ulit. Wag mong hayaan gawin kang tanga ng sinusuportahan mo.

Hindi Tanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *