Palpak na nga ang free tuition, tumaas pa!

Dear Parents,

Mukhang #naDuterte ulit kayo. Habang tumataas ang presyo ng bilihin kasabay din tumaas ang tuition fee sa ilang unibersidad.

Yung free tuition na panukala sa mga state university, hindi pala tuition yun. Para din syang scholarship na kailangan munang maqualify. At sa dami po ng requirements mukhang iilan lang ang makaka avail sa programs. So hindi sya free tuition sa lahat, free tuition lang sya sa iilan.

Pasensya na po, mukhang hindi dumating ang pagbabagong inasam ng 16 million. Habang nagpapakahirap ang taong bayan sa pagtrabaho para makabayad ng buwis, ang buwis naman natin ay ginagamit sa pambayad sa mga taong nagkakalat ng kasinungalingan at pambayad sa “Family Tour” sa ibang bansa ng mga makapal ang mukha.

Hayaan nyo po, may karma din na darating sa kanila.

Nakikisimpatiya,.

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *