Pagpupugay sa ating mga Sundalo

Dear Soldiers,

First, gusto po naming magpasalamat sa inyong walang sawang pagsisilbi sa bayan. Kaya nakakatulog ang karamihan sa amin ng mahimbing dahil kayo ang gising to protect us.

Maraming salamat din sa inyong pamilya at hinayaan kayong maging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino.

Kanina may nangyaring aksidente na ikina sawi ng 11 sa inyong mga kasamahan, si PAB po ay nakikiramay sa pamilya at sa buong sandatahang lakas.

Para po sa hindi nakakaalam, “friendly fire” po is a term used to describe misidentification of targets as hostile, inaccuracies or human /technical error.

Nangyari na ang lahat, pero ang suporta at paggalang namin po sa inyo ay hindi mababawasan.  Alam ko po na masakit mawalan ng kasamahan, pero aksidente man ang kanilang pagkamatay sila ay dapat ituring pa din na mga bayani gaya ng lahat ng sundalo na nakikipaglaban para sa kapayapaan ng bayan.

Sir, wala man kami sa inyong tabi sa gitna ng bakbakan, baunin niyo ang aming dasal para sa inyong kaligtasan.

Maraming salamat po ha!  Patnubayan nawa kayo ng maykapal.

Lubos na Gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *