Open Letter to the Presidential Electoral Tribunal (PET)

Dear Presidential Electoral Tribunal,

Noong nakaraang araw nilabas ang resolution niyo sa motion ng kampo ni VP Leni Robredo.

Ang reason niyo ng pagdeny kasi sabi niyo hindi niyo alam na may Comelec Resolution pertaining na dapat 25% shading ang threshold.

Luh, talaga, hindi niyo alam? Sige tulungan ko kayo ha, nakakuha po ako ng kopya ng minutes ng COMELEC discussing that threshold. Resibo.

 

Ayan po ha, ang date September pa of 2016. Nagmeeting sila kasi nagrequest kayo ng COMELEC guidelines sa manual counting, SPECIFICALLY on the types of SHADING. Eto pa ang page 2.

Ayan ang sinabi diyan nag request daw kayo ng guide on Appreciation Markings. At sabi sa resolution na bibigyan daw kayo ng kopya.

At eto po ang kopya ng resolution na binigay sa inyo ng COMELEC.

 

Ayan po oh, address sa Clerk ng Tribunal, at klaro na natanggap ng Tina kung sino man yan, noong September 6, 2016, 9AM ng umaga.

Sinabi sa dokumentong yan na ang shading was set at 25%. Ayan din ang reason para daw to insure the vote will not be wasted. Tama naman, kasi may mga kababayan tayong hirap magsulat at minsan hindi nakukumpleto ang pagshade.

Klaro po ang sulat na binigay sa inyo ng COMELEC.

When a mark covers at least 25% of the oval said mark is supposed to be considered a vote by the system”

Ayan po oh may pirma ni Commisioner Guia. In fact sa sulat na yan, naka attached ang sample shade ng 25% threshold.

Ngayon po, question, bago kayo nagdecide, hindi niyo nabasa ito? Kasi sabi niyo you were not aware of any COMELEC resolution, kaya you deny the motion.

Hindi man lang kayo napagsabihan ni Tina na “Huy, mga beshie, parang may natanggap ako na resolution from the COMELEC about that 25% shading, eme eme”.

Or kahit na man lang si ATTY. FELIPA ANAMA, yung Clerk ng Tribunal kung saan naka address yung resolution ng COMELEC hindi man lang kayo nainform? Naku, naku, pagalitan niyo yan, yung mga ganyang dokumento hindi dapat kinakaligtaan. Kasi syempre mahirap na napagdudahan kayo ng mga tao na niluluto niyo ang pagkapanalo ni Baskil Bongbong Marcos, di ba?

Anyway, mas gusto kong paniwalaan na nakaligtaan lang kayong iinform ng mga tauhan niyo diyan, your honors, kaysa isipin ko na unfair ang ginawa niyong pag deny. Baka honest mistake lang. Wala naman sigurong lutuan na nangyayari gaya ng iniisip ng iba.

Your honors ha, ayan na may dokumento na, at matching resolution pa. Wala na kayong rason para ideny ang motion ni VP Leni Robredo. At saka matanong ko lang, kung hindi lumabas ang dokumentong ito, BAKIT NIYO BABAGUHIN ANG THRESHOLD NG SHADING E YUN DIN NAMAN ANG GINAMIT SA PRESIDENTE AND THE REST OF THE CANDIDATES LAST 2016? I mean parang illogical di ba?

Pero since lumabas na ang documents, wala na kayong rason di ba to deny the motion ng Robredo camp? Yun kung susundin niyo ang batas at ang inyong konsensya.

Anyway, wag na po kayong magpasalamat, your honors sa paghanap ko ng documents. Kung nakarating sa labas, for sure maibibigay sa inyo yan ni Ateng TINA yung nag received or ni Aling Felipa yung Clerk ng Tribunal. Baka nasa tabi-tabi  lang yan.

Huwag hayaan makulayan ang election recount, gawin kung ano ang tama. Huwag hayaan na isipin ng mga tao na may niluluto kayo, kasi hindi naman kayo mga chef, mga abogado po kayo. So magdecide po ng tama.

Ok na mga beshie? Till the next letter. Mwah!

Masipag Magkalap ng Ebidensya,

PAB

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *