OFW families are NOT dysfunctional, Mr. President!

Dear President Duterte,

Pasensya na po if I had to write you again. Sa speech niyo po  sa launching ng Buhay OFW TV kahapon sinabi niyo po ito.

Sir, wag niyo po sanang maliitin ang OFW natin. Marami akong kaibigan at kakilala na OFW ang magulang pero lumaki po silang matino.

Sa katunayan nga, mas marunong magpahalaga ang mga anak ng OFW sa pinaghirapan ng mga magulang nila.

Pagod, pangungulila at minsan sinasaktan pa ang mga OFW ng mga amo nila pero tinitiis nila yun para lang mabigyan ng magandang bukas ang mga anak nila.

Hindi po kasi puwedeng igeneralize na dysfunctional na agad or addict na agad. Masakit po yun sa mga OFW na tinuturing nating mga bagong bayani. Nagsisikap sila upang maging maayos ang buhay ng mga naiwan nila sa Pilipinas. Ang tawaging dysfunctional ang pamilya nila ay isa pong kamalian.

Sana po bago kayo nagsalita tungkol sa pamilya nila, maisip niyo man lang ang luha at pagod na dinaranas nila dun para lang makapagpadala ng pera sa Pilipinas. Malaking tulong ang remittance nila sa ating ekonomiya di ba?

Dapat po ang bayani, binibigyang pugay hindi inaalipusta. Next time po, Mr. President, pag isipan niyo muna po bago magsalita, karamihan pa naman sa OFW supporters niyo po.

Yamot sa Walang Preno ang Bibig,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *