Muli Mukhang Mababaliko Na Naman Ang Batas

Dear COMELEC,

Hindi ko alam kung dapat pa namin kayong pagkatiwalaan. Una si Cardema ay hindi na youth based yan mismo sa batas. 33 years old na siya.

 

 

Pangalawa, ang taong to hindi man lang nagresign sa posisyon nya sa gobyerno tapos kandidato pala. Si Mocha nagresign bago tumakbo kasi yun ang nakasaad sa batas. Malinaw  na panggagago ang inyong desisyon na payagan siyang mag substitute sa partylist.

 

 

Dahil nanalo, saka pala siyang magsasubstitute at magreresign sa puwesto?

You allowed the substitution of Cardema of Duterte Youth on the ground that substitution can be done until election day. Yes, that is correct in so far as Resolution 10420 is concerned.

Pero nabago na yan at napalitan noong Oct 1, 2018. Eto ang amendment ng resolution 10430.

 

Ayan oh, klarong klaro.

“No substitution due to withdrawal shall be allowed after November 29, 2018.”

Naglolokohan po ba tayo dito? Lahat na lang binabaluktot niyo. Mahiya naman kayo sa taong bayan huy.

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *