Mga Pangakong Napako sa mga OFW

Dear President Duterte,

Isa po sa mga umasa sa inyo ng pagbabago ay ang mga OFW. Akala nila mas luluwag ang buhay nila under your administration. Pero mukhang #NaDuterte na naman sila.

Kamakailan ang mga OFW from Hongkong, ay nagrally sa Consulate nagpromise kasi kayo na iphase out niyo na ang Overseas Employment Certificate. Resibo.

Ayun pa sa report,

“Labor Secretary Silvestre Bello III has promised OFWs to do away with the OEC and replace it with an iDOLE card.”

Pero hanggang ngayon wala pa din. Pangakong nasulat sa tubig.

Tapos may bago na naman kayong program, yung Overseas Filipino Bank. Resibo.

Maganda po ang layunin for faster sending money ng mga OFW. Pero cheaper? Para pong hindi. You will be charging $5 dollars for every $100. Resibo.

Yung ibang private remittance company charges lower. Sana matuloy ang balak ni Secretary Bello na baka puwedeng libre na lang or sana babaan niyo ang remittance fee, kasi kung maisabatas pa ang additional tax sa remittance fee, idadadag pa po ba yun sa $5 dollars na remittance fee? Kawawa naman sila.

Malaking bagay po ang $5 dollar sa OFW natin. Ang iba sa kanila noodles lang ang kinakain para makatipid at makapag padala sa mga pamilya sa Pilipinas.

Yung iba halos 3 hanggang 5 trabaho ang nilalagare para mapag aral ang kanilang mga anak.

Sana po bigyan niyo sila ng priority. Alam ko masaya sila kung dinadalaw niyo pero sana yung mga programang pinangako niya na makakatulong sa kanila ay tuparin niyo po. Sila ang mga bagong bayani natin di ba?

Lungkot, hirap at pagod ang kalaban nila doon, sana mabigyan niyo sila po ng pagpapahalaga.

May kasabihan na “promises are made to be broken”, sana hindi ito ang motto niyo sa buhay. Kawawa ang bansa po.

Nag Aadvise lang po,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *