Mga Hirit Ni Mocha Sa ABS-CBN, Bumabalik Sa Amo Niya

Dear KaPAB,

Mahirap talaga pag troll no, Kasi ang mga hirit ay parang boomerang na laging bumabalik sa nagbigay. Best example Ito si Mocha.

1. Hirit ni Mocha Kay Karen Davila

Mahirap talaga pag walang alam sa batas. Pag may labor dispute Quo Warranto agad? Ipapasara agad? Halos lahat Ng company may labor problems kung ganito ang patakaran dapat lahat ipasara. Pinakita lang ni Mocha dito kung gaano ka unjust ang patakaran ng Presidente.

2. Hirit Ni Mocha Laban Sa Mga Mambabatas na Sumusuporta sa ABS-CBN.

Kung pinaglalaban ng mga mambabatas ang ABS-CBN eto ay sa dahilan na di dapat supilin ang karapatan sa pamamahayag. Kung Oligarch lang naman ang pag-uusapan, sino ba ang chummy-chummy sa mga Oligarch?

Oppsie. Eto pa.

Ilang project na ba ng gobyerno sa kay Dennis Uy? So Sino ngayon ang hawak ng mga Oligarch, Mocha?

3. Hirit Ni Mocha Sa ABS-CBN

Huwag daw daanin sa drama. Luh si Duterte kaya ang mahilig magdrama. Kunwari kumakain sa karinderiya pero naka jet plane naman papunta.

Sagutin daw sa tamang forum, nabasa kaya ni Mocha ang kaso?

Ang nakalagay doon kaya daw ipapashutdown dahil nag isyu ng Philippines Depository Receipts. Dapat ba sa Supreme Court agad pag ganun? Hindi ba dapat SEC muna kasi sila ang magdedetermine kung  may nilabag nga ba.

Isang isyu pa doon yung TV Plus at KBO. So pag ganun, Quo Warranto agad solusyon? Alam ng ahensiya ng gobyerno na bago niroll out ang TV Plus na iyan ay binigyan nila ng kaukulang permit ang ABS-CBN. Ganun pa man, hindi ang Supreme Court ang proper forum, Aling Mocha.

Forum ng forum pero di naman alam ang ibig sabihin, Tse! May victim card ka pang nalalaman. Luh, hindi lang Kapamilya Network ang pinagbantaan ng presidente. Remember Rappler? Philippine Daily Inquirer? May amnesia ka ghorl?

Kung may biktima man dito, ang taong bayan kasi ang buwis nila ang gumagastos sa sweldo Ni Mocha na walang ginawa Kung hindi magkalat ng fake news.

Natatawa sa Mochang Troll,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *