Mga Ahensya na Binigyan ng 1000 na Budget

Dear KaPAB,

Tatlo ang ahensya na binigyan ng 1000 na budget ng mga “magagaling” nating kongresista.

Una ang Energy Regulatory Board,  ang rason daw kasi may mga corruption. Importante ang mandanto ng ERC, Energy Regulatory Commission (ERC) is one of the government agencies that enforced power regulation. Its mission is to promote and protect long-term consumer interests in terms of quality, reability and reasonable pricing of a sustainable supply of electricity. So sila ang nagchecheck kung umaabuso sa paniningil ang mga kompanya ng electricity. Ang reason daw kasi may mga corruption sa loob ng agenda. Tanong ko lang po, kung ang puno po ba ng manga may nakita kayong bulok na bunga, puputulin niyo po ba ang buong puno?  Kasi ganun klaseng panggigipit ang ginawa ng mga mambabatas sa ahensyang ito.

According to Lobregat na nagfile ng motion, inutusan daw sya ni Alvarez. See?  Lahat ng nangyari ay ang director si Alvarez.

Second, ay ang NCIP, National Commission on Indigenous Peoples . Bayan Muna Rep. Carlos Zarate’s motion to give NCIP a 1000-peso budget in 2018. Eto ang ahensya na nag aasikaso sa mga kapatid nating katutubo. Ang reason ni Congressman, wala daw nagawa sa Kidapawan rally. Again, bakit hindi  resolbahin muna bago ipanakot ang pera. Ngayon kung tatanggalan ng budget to, paano na ang mga katutubo who have less in life?

Third at ang pang finale nila ay ang Commission on Human Rights. Para sa mga kongresista isang libo lang ang karapatang pantao ng 103 million na Pilipino.

Eto ay pagpapakita lang ng pagiging diktador ng administration na to. Kung gaano ka bully etong si Speaker Alvarez.

Ang CHR ay hindi lang para sa dilawan, hindi niyo napansin, most sa mga tinotokhang ay mga DDS?  Ang CHR ang nagbibigay protection sa inyo anuman ang political affiliation niyo.

Pinapatay ka na nga, binabalahura pa ang iyong karapatan.

Kaya pa ba Bayan ko?

Lumalaban kahit Sugatan,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *