May Nanalo na, mga Bes!

Dear Tatay Digong,

Hindi mo naman po nabanggit na interesado ka pala sa korona ni Wigiurre as King of Fake News. In fairness, ginalingan mo po talaga kagabi sa interview niyo po with Erwin Tulfo.

Sabi niyo po it is trap kay Trillianes ang ginawa niyong pagsisinungaling?  Luh, di kaya, you trap yourself po. Wala kayong napatunayan kagabi po kung hindi ang fact na sinungaling kayo at mahilig mag imbento ng kwento para manira ng iba. Sabagay sabi niyo nga dati, nung fiscal pa kayo, nagtatanim kayo ng ebidensya. Resibo.

Pati ba ngayong presidente na kayo ginagawa niyo pa rin?  Pero ang nakakatawa kasi yung mga tsuwariwariwap niyo po gaya ni Ate Mocha, Ate Sass, Ira Panganiban, Krizette Chu at marami pang iba, bilis na bilib sa bank account na yan hahaha. Nakikipag away na mga supporters niyo for you tapos sa revelation niyo kagabi, pinagmukha mo silang tanga lahat hahaha!

Tay, wala pong sumisira sa inyo, you are doing it all by yourself succesfully.

Naisip ko lang ngayon, alin pa kaya sa mga sinabi niyo dati ang hindi totoo?

Tay, kung may nasira man po kayo kagabi, hindi si Trillanes o ang mga Dilawan. Alam niyo po kung sino?  Harap po kayo sa salamin, makikita niyo ang sagot.

At dahil po pabibo kayo sa pagsisinungaling kagabi, parang nadethroned niyo po si Secretary Wiguirre as King of Fake News. Ikaw na po ang bagong partner ni Ate Mocha.

Congratulations,  Tatay Digong!

Yamot sa Matandang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *