Malacañang, Event Venue na Pala?

Dear Sir Robin Padilla,

Balita ko po nagpabinyag po kayo kanina, at ang venue sa Malacañang. Congratulations po sa binyag. Swerte niyo naman sa Malacañang pa ang venue. Resibo.

Akalain mo, kahit wala kayong personality sa gobyernong ito, pinayagan kayong magparty sa Malacañang. Resibo.

Libre po ba? Kasi si Aling Bebang, na nagtitinda sa kanto namin, nag iisip din na magpabinyag sa apo niya, DDS din yun gaya niyo po. Baka puwede din sya sa Malacañang, kasi pareho naman kayo walang personality sa gobyerno, malay mo payagan din sya. Ano po sa palagay niyo po? Pakibulong naman kay President Duterte ha.

Naghihintay ng Feedback from Binoy,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *