Konting Simpatiya Naman Diyan, Secretary Liling!

Dear Secretary Liling,

Kumusta naman po ang reaksyon niyo sa video na ito?

 

Imbes irecognize niyo na sadyang may pagkukulang ang suporta ng pamahalaan sa edukasyon, eto pa ang naging response niyo.

 

 

Paano maging drama, eh yan Ang realidad. Sabi mo puwede naman sa laboratory? Eh saan mag eexperiment ang mga bata? Imbes na gawan mo ng paraan na maiangat mo kalagayan nila, ngayon gusto niyo pang idemanda.

 

Kailangan naging labag sa batas ang pagsabi ng katotohanan. At please, pakisabi dito sa principal ng school na si Principal Rom, mali ito.

 

 

 

Secretary Liling, una kulang ang classroom kaya nga hinahati niyo mga klase sa morning and afternoon para magkasya eh. So pagtapos na ang klase ng teacher sa umaga, syempre gagawa siya ng papers at lesson plan, so saan niyo yun plano niyang gawin kung walang faculty room? Sa ilalim ng puno?

Nakakalungkot lang kasi ang mga guro ang laging kawawa. Mula sa class room hanggang sa pag taas ng sweldo nila.

 

Habang ang iba happy happy sa junket sa Japan, ang mga guro pinapahintay niyo sa increase sa sweldo nila.

Walang sapat na classroom, walang increase, pero at least ikaw isa sa may mga pinakamataas na sweldo.

 

 

Since nakakaluwag naman kayo Sana magkaroon naman kayo ng konting simpatiya sa kalagayan ng mga guro.

 

Naaawa Sa Mga Guro,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *