Kapit mga Kapatid, Maalon ang Ating Paglalakbay

Dear DDS, Dilawan at yung mga Walang Kulay,

Eto po ang kalagayan ng bansa natin na kailangan niyong malaman.

1. Inflation Rate. 1.4% in May 2016, it’s 3.4% now. Up by 2%. Resibo.

Inflation Rate ng Ekonomiya ng Bansa | Pinoy Ako Blog

Ano po ba ang ibig sabihin nito? Pag mataas ang inflation rate humihina ang buying capacity ng pera natin sa pagbili. Kung dati ang 1000 libo niyo ay kasya sa isang linggo malamang ngayon ay tatlong araw na lang.

2. Foreign Direct Investments (FDIs). In Q2 2016 it stood at $1.44 Billion, it’s $141 Million ending Q2 2017. Down 91%. Very bad. Resibo.

Inquirer Article Ekonomiya ng Pilipinas | Pinoy Ako Blog

Inquirer Article | Pinoy Ako Blog

Ano po ba ang ibig sabihin nito? Bumaba po ang gustong mamuhunan sa atin. Alam naman natin na ang katumbas ng bagong investor ay karagdagang trabaho sa mga Pilipino, pag bumaba ang namumuhunan, tataas ang unemployment rate or percentage ng mga taong walang trabaho.

3. Peso to Dollar. P45.00/dollar in May 2016, it is now at P52.00/dollar. Resibo.

USD to PHP Value | Pinoy Ako Blog

Peso purchasing power down 16%. Not good. We need P7.00 more per liter to pay for imported fuel.

Pag tumaas ang palitan masama po sa ekonomiya kasi po ang ginagamit natin pambili ng petroleum products gaya ng gasolina at oil ay dollars. Ibig sabihin natin tataas ang mga bilihin kasi tataas ang production at transportation cost. Kawawa naman si Juan.

4. Status of Economy. We have the first Deficit economy in fifteen years. Resibo.

Rappler Article Government Budget Deficit | Pinoy Ako Blog

Ibig sabihin po, yung iniwan ni Pnoy na savings ay ubos na rin po. Ganito kabilis gumastos ang pamahalaan ngayon.

5. Ang utang po natin is now P6.44 Trillion from P3.754 Trillion in May 2016. Resibo.

Inquirer Article PH Debt | Pinoy Ako Blog

Pag sumabay na ang “DuterteMoronics” na  “build, build, build” tapos uutang sa China hanggang 89.9 billion na may 6% interest per annum, lalo tayong malulubog sa utang mga bes. Bakit kasi China pa uutang puwede naman sa Japan na mababa lang interest or sa EU na walang interest. Resibo.

Financial Packages for Duterte | Pinoy Ako Blog

6. Credit worthiness. From 2010 to 2016, we recieved four (4) credit rating upgrades from both Moody’s and Standard & Poor, while we slid 14 placed backward in business climate rating (#99 to #113) among 190 countries. Resibo.

PH Ranking in Ease of doing Business Slips Down | Pinoy Ako Blog

Lahat na lang pabagsak ang rating. Kawawa ang ating ekonomiya.

7. Criminal Impunity Index. We were ranked #14 in 2015, now we are ranked #1 at 74.3% impunity rating. Resibo.

Philstar Article Philippines Impunity | Pinoy Ako Blog

No. 1 na tayo sa buong mundo. Kung sino man ang nagsasabi na kasing safe na tayo ng Singapore ay hibang. Resibo.

High Impunity Index | Pinoy Ako Blog

Bad to worst.

8.  Price of Diesel. From P22/liter in 2015 to P34.00/liter today. And in January 2018, another new Excise Tax of P6.74/liter will be imposed under the Tax Reform package.

Pag naisabatas ang Excise Tax ang P34/ liter ay magiging P40+ na! Kasunod nito magtataasan amg mga bilihin kasi halos lahat papatungan ng karagdagang buwis, mula sa kape hanggang sa remittance fee ng OFW.

9. MRT/LRT Status. Used to be, it breaks down 3 to 4 times per week, now it’s 3 times per day! Worse and worse(r). Resibo.

GMA News MRT Article | Pinoy Ako Blog

Naging normal na ang 3x a day ang masiraan ang MRT.

Sa lahat nang nangyayari sa ating ekonomiya at sa ating bansa, ito ba ang pagbabagong hinahangad ng lahat?

Sa mga kababayan ko, kailangan niyong maghigpit sinturon kasi maalon ang dagat na dadaanan natin sa mga susunod na taon. DDS man o Dilawan kasama ang mga walang kulay, lahat tayo papasanin ang mga pangyayaring ito.

Pilipinas ang Kulay,

PAB

Source: Ding Velasco

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *