Junket doon, Junket dito

Dear Secretary Martin Andanar,

Ikaw ang head ng PCOO at RTVM yung goverment’s channel at ngayon nagpapadagdag pa kayo ng budget. I checked the mandate of RTVM or the People’s Network. Eto ang nabasa ko.

Sabi dito,

Executive Order No. 297 designates PBS-RTVM as the entity with the sole responsibility and exclusive prerogative to decide on policy / operational matters concerning the television medium as it is utilized for the official documentation of all the President’s activities for news dissemination purposes and video archiving.”

Tanong ko lang po?  May activity po ba sa US ang presidente? Kasi po kung maka junket ang staff niyo, sangkaterba.

Parang may presidential activity lang ha, kahit wala ang presidente. Medyo tubuan sana ng hiya ha. Nagcover ba kayo ng live doon? Ilang writers at camera man ang dinala niyo?

Akala ko ba “The main strength of the men and women of RTVM is their professionalism – working with minimum supervision and delivering the best product within the deadline required.”?

Minimum supervision?  Sa dami niyo, parang bawat camera man may supervisor. Minimum ba yan? Kasama pa pati yung Executive Director ng RTVM na si Demic Pabalan? Yung totoo, ilang milyon ang winaldas niyo sa travel na yan?

Sabi niyo ang request ni Secrtary Cayetano si Mocha? Resibo.

Sino ang nagrequest sa mga tsuwariwariwap? Paki explain po.

Tax namin ang ginagasta niyo, tapos ngayon humihingi kayo ng dagdag na budget? E kung bawasan niyo po ang pagjujunket niyo? At gastahin sa training sa “journalism ethics” or “how to use Google properly”, eh di sana hindi na kailangan ng bagong budget.

Kuba na si Juan sa kakatrabaho, tinitiis ng mga Pilipino bunuin ang traffic araw-araw at ang iba nagtitipid sa pagkain sa laki ng kinakaltas sa kanilang buwis, pero kayo walang pakundangan winawaldas ang pera ng bayan?

Yung totoo?  May konsensya pa ba kayo?

Naway tubuan ng pigsa sa kili-kili ang mga waldas sa pera ng bayan. Amen.

Nagdadasal para sa Mabilisang Pagtubo ng Pigsa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *