Isa pang Senador Hindi Alam ang Mandato ng CHR

Dear Senator Sherwin Gatchalian,

Nabasa ko po ang interview niyo po with GMA. Sagutin ko lang po kayo ha. 

Nang sinabi niyo po “to avoid making partisan statements ” ano po ang ibig niyong sabihin? Yung hindi na sila magsalita about EJK?  Kasi po kung yun po ang ibig niyong sabihin para niyo na rin pong tinanggalan sila ng mandato.

Sabi niyo pa,

Bakit niyo po pinapa imbestigahan ang kaso ng hazing victim na si Horacio Castillo III?  Senator Win, trabaho po yan ng mga pulis, unless ang isa sa mga participant ay member ng PNP or military, puwedeng imbestigahan yan ng CHR. Parang troll statement lang na lahat papaembistagahan sa CHR.

At bakit CHR ang magrerecommend ng appropriate steps? Trabaho niyo po yan na gumawa ng batas to stop the senseless killings. Or baguhin niyo ang existing law ngayon ang Anti Hazing Law.

Luh, grabe siya oh, hindi alam ang mandate ng CHR. Sige explain ko sa yo ha.

Alam mo Sir, ganito kasi yon. mag-chill ka muna dyan. Kapag kasi may nabiktimang citizen – nirape, napatay or pinatay – sa PNP at sa prosecutors’ office ang punta nila (as the case may be kasi madami pa exception). Hindi sa CHR. Bale po ang mag iimbestiga po mga Pulis. State ang magpa-file ng case against the accused. Kaya nga People of the Phils. vs. name of the offender, Sir. Ngayon binanggit niyo po ang kaso dun sa hazing, ang mag iimbestiga niyan PNP po.

Remember if the issue of violation of rights between citizen to citizen, the. Recourse is civil or criminal proceedings.

So ano ngayon papel ni CHR? Heto na yun. Kapag over-over na sa OA si state. Kapag niyurakan na niya pagkatao ni ACCUSED. Like wala na siyang karapatan ganon, like di sya binigyan ng due process kasi nga, hello, napag-bintangan palang siya, hindi pa tapos ang kaso. So sino nlang magtatanggol kay accused eh si State kung saan nabibilang ang mga kapulisan kampi kay offended party? Doon na po , si CHR papasok.

Remember po, if the violator is the State you have the CHR to keep State in check.

Sir, may kanya-kanya po silang roles. Kumbaga walang agawan ng papel sa pelikula. Sa pinapagawa nito po sa CHR ay parang gusto niyo po ipagawa sa kanila ang role ng pulis at role ng Senado. One Man show ba itey?

Nakakalungkot lang po na ang isang senador na tulad niyo ay hindi alam ang mandato ng CHR.

Pero hindi pa naman po huli ang lahat. Puwede pa kayong magbasa po ng mga cases at books para po next time, tamang statement na po sasabihin niyo po. Hindi na asal troll.

Wag na po kayong magpasalamat sa explanation ko po. Libre na po yan. Starting point niyo sa pagaaral ng mandato ng CHR.

Hindi Tamad Magbasa,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *