In Reply to Glen Chong

Dear Atty. Glen Chong,

Two days na akong kinukulit ng mga tsuwariwariwap ni BBM na sagutin daw kita sa mga pinagkukuda mo sa Senate hearing. Ako naman, ayoko namang sumagot ng hindi ko napag aaralan yung issue mo.

First, sabi mo daw, May 8 palang may election na kasi meron ng “transmission”. Pareho kayong theory ng privilege speech ni Senator Sotto dati ha.

Now, tanong kita, taga Biliran ka di ba? For sure may mga upland and lowland areas kayo doon. Mga lugar na malayo sa kabihasnan. Hindi ba kinukuha ng mga teachers and mga gamit for election minsan 1 or days before the election kasi nga malayo pa ang biyahe nila? At sinagot ka na ng COMELEC, tsong. According to Comelec this “query” is part of the Final Testing and Sealing (FTS), that is to test the ability of the VCM’s to connect with the servers come election day.

Mere “query” by the VCM does not automatically elicit the conclusion that votes have been transmitted during the “query’. Kaya walang record kasi wala namang natransmit na votes. Tse!

In other words, hindi yun transmission. Yun ay pagtesting kung maayos ang mga machine bago pa mag elections. Kaya wag kang imbento. Daming drama, puro naman propaganda.

Alam mo ba ang CCS? Consolidating and Canvassing System. Kung totoo ang sinasabi mo na may transmission of votes na nangyari, May 8 palang, hindi ito papayagan ng CCS, kasi po may mechanism ang software na to to reject subsequent transmissions. Thus, if the CCS logs can show that results have been received on the night of May 9 (after elections), then the early transmission na pinagkukuda mo ay isang malaking guni-guni.

Pangalawa, yung sinasabi mo na “The Comelec server was allegedly accessed by a foreign-based machine (E360SYNC), during and after the elections. That it “has the access privilege of a root” capable of making alteration on the system. He called it “malicious and considered a critical intrusion to a computer system.”?

Luh, guni-guni mo na naman yan. Di ba sinabi na yan ng Comelec dati na yang E360SYNC ay para mag push lang ng data from VCM to servers kasi part yan ng mechanism of the system. Pero dahil hindi makamove on amo mo, kaya kahit ang mga wala naman talagang kahulugan hinahanapan niyo para kunwari may nadaya.

Matanong nga kita, ang mga pinagkukuda mo lang ay kung paano nadaya ang election, parang expert kayo ha. Pero may naipakita na ba kayo na kahit isa man lang discrepancy? Wala di ba? Kasi puro lang kayo propaganda para hanggang 2022 relevant pa din amo mo.

Amo mo naman talaga, kasi you were his representative. Resibo.

Sabi mo nominated ka lang pero hindi mo tinanggap. Klaro sa document na you were “sent” as a “regular and alternate representatives of the protestant Bongbong Marcos.” So alin diyan ang hindi mo tinanggap?

Kung hindi mo tinanggap bilang representaive ni BBM eh ano to?

Ano ang ginawa mo diyan? Uzi? Usisero? Kwento mo yan sa pagong ha. Baka maniwala.

Kung may history man ng pandaraya dito, hindi si VP Leni Robredo yun.

I read your case pala, pinadala ng isang source, where COMELEC found a probable cause para kasuhan ka and your kasamahan.

 

 

Yung complaint pala ay tungkol daw sa pagkuha niyo, at pagtamper at ginamit niyo ang Officila Ballots noong May 13, 2013 National and Local Election.

 

At Kyah, nabasa ko ang affidavit, kung paano daw niyo na plano lahat.

 

 

Ayon sa affidavit, plinano niyo na mag break-in sa Biliran para kumuha ng official ballot para iprove ang dayaan? Luh grabe. Talagang magiging dahilan pa ang laging pag brown out sa mangyayaring nakawan ng official ballot?

Pero hindi daw natuloy ang Biliran, kaya ginawa sa Baguio na lang.

 

 

 

Ikaw daw po ang nag suggest na pumunta ng Baguio at doon na lang nenokin ang official ballot. And base sa affidavit,  eto daw po ang mga sumunod na inutos mo.

 

 

 

Sabi sa affidavit, “Chong likewise gave specific instructions to Acosta to tamper with the senatorial votes for Cojuangco.” Luh.

27 pages and case. Isa lang ang tumatatak sa isip ko, IKAW AY NAHANAPAN NG PROBABLE CAUSE NG COMELEC FOR OBTAINING AND TAMPERING OF OFFICIAL BALLOTS.

As I said minsan pag nagtuturo tayo sa iba, hindi natin alam na mas maraming finger ang nakaturo sa atin.

Harapin mo na lang kaso mo Kyah. Pakisabi din sa amo mo na si BBM, magmove-on na at gamutin na lang ang basa niyang kili-kili! Tse!

 

Napapailing Na Lang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *