In Reply Sa Pinagsasabi Ni Robin Padilla Tungkol Sa ABS-CBN

Dear Robin Padilla,

Nabasa ko itong kuda mo sa issue ng renewal ng franchise ng ABS-CBN. Yung network na ilang beses na nagbigay ng break sa iyo at sa asawa mo from TV Show to movies.

Himayin natin yung pinagsasabi mo, Koyah ha.

Ok tinitira mo ang kapwa mo artista na nagtatanggol sa ABS-CBN, ang isyu mo is about sweldo at benepisyo. I guess medyo mahina ka sa reading comprehension no? Ang point lang naman nila ay bakit ipapasara agad eh may tamang proseso. Base sa pananalita mo, mukhang ang script ng mga trolls ang nabasa mo at hindi ang kaso na sinampa ni Duterte at Calida.

Bigyan kita ng lecture ha, libre na ito.

1. FACTS

– KBO and TV Plus

– Philippines Deposit Receipts

Ito ang nasa kaso, kaya ipapa quo warranto ng Lolo mo ang ABS-CBN. At sinagot na ito ito ng ABS-CBN.

Bago pa man nailabas ang TV Plus at KBO may permit na yan. Ang nagbigay ng permit is the same government na nagsasabi na illegal Ito. Kung illegal pala, bakit nila binigyan ng permit in the first place? Gets mo?

Same with the PDR, ang Security and Exchange Commission Ang nag approved nito so parte din ng gobyerno.

Yang pinagkukuda mo na yan na benepisyo at regularization, Ni hindi yan nabanggit sa kaso ng Lolo mo.

At kung sakali man totoo iyang pinagsasabi mo na may labor problem ang company, sa tingin mo ba dapat Supreme Court agad? Dapat ipasara agad? Ano pa Ang silbi ng DOLE at NLRC?

Parang ganito lang yan, di ba may bagong batas sa US ngayon na bawal na yung birth tourism?

Pag may lumabag ba, death penalty agad? Di ba hindi? Kasi may process. I’m sure sa aspetong ganito gusto mo din masunod ang process di ba?

Kung ayaw mong ipagtanggol ang network na pinagkakautangan mo Ng loob, huwag kang mandamay ng iba . Pero juiceko naman bago mo ipagtanggol  ang stand ng poon, magbasa naman kahit konti. Huwag asal troll.

Yamot Sa Mayabang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.