Hindi Bulok ang Pilipinas

Dear Asec. Ronald Cardema,

Hindi ko alam kung saan po kayo pinanganak, pero ang alam ko po ang bansa ko po ay hindi bulok. Eto ang statement mo, na dinelete mo din.

Buti na lang may resibo ako. Sabi niyo.

“Tayong lahat dito ay ipinanganak sa isang bulok na third world country, hindi tayo papayag na tayo’y tumagal pa at mamatay sa isang bulok pa rin na bansa.”

Hindi bulok ang Pilipinas. Hindi bulok ang bayan ko. Maaring may mga Pilipinong bulok na tulad mo, pero hindi ikaw ang nagdedefine kung ano ang Pilipinas.

Bagamat kay hirap nang mahalin ang bansa ngayon kasi nakakalimutan na ng iba ang kahalagahan ng buhay at karapatang pantao, pero ang mga masasakit na pangyayaring ito ang nagiging dahilan kung bakit pilit bumabangon ang bawat Pilipino para lumaban sa mga pang abuso.

Wala kang karapatang sabihin na bulok ang bansa ko, kasi ang mga naninirahan dito ang siyang nagpapasweldo sa yo.

At baka nakalimutan mo na kaya ka lang nalagay sa pwesto dahil sa utang na loob ni Duterte sa yo. Naaalala mo pa to?

Nagalit ka kasi ang dumating sa rally niyo ay pito lang. You represent the youth?  Weh? Baka “dugyouth”.

Yan ang reason kaya ka nalagay sa pwesto mo ngayon, kaya wag kang ano.

Kung may bulok man sa usaping ito, IKAW YUN.

Yamot sa Mukhang Dugyot,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *