Dumale na Naman si Assec. Mocha

Dear Ate Mocha,

Grabe ka no? Tumitira ka lang ng tao kahit hindi mo inaaalam ang proseso. Binalahura mo si Senator Grace Poe dahil sa emergency powers to solve traffic problem sa Manila. Resibo.

Ang hirap sa yo, hindi mo alam ang process ang dami mong kuda. Tama po si Senator Grace, kung gustong mapabilis ang isang bill kung gagawing priority bill eto ng administrasyon ni Poon mo. Alam mo kung bakit, kasi maraming bill ang nakasalang na kailangan din repasuhin.

Pag mag aaral ka ng law, malalaman mo na before the bill becomes a law, dumadaan yan ng 1st, 2nd and 3rd reading sa lower at upper house. Ganyan kabusisi ang process.

Tinawag mong Trapo si Senator Grace, eh ginagawa naman ng Senado ang version ng emergency power na yan. In fact patapos na ang version nila sa second reading, yung version ng House of Representative ni wala pa sa second reading. Tapos hindi ka pa nakuntento, namilosopo ka pa. Resibo.

Bakit si Senator Grace Poe lang ba ang mag aapprove niyan? Kaloka ka. Dadaan yan sa process. Hindi ito bara-bara na desisyon. Kung bakit naman kasi nangako ang Poon mo to solve the traffic in 6 months ayan nganga siya tuloy. Besides wala namang planong nakalatag kung papano gamitin ang emergency power di ba? Kung may dapat mang sisihin sa pagkadelayed ng solution sa trapiko, sisihin mo ang Poon mo.

Best decision yang pag aaral mo ng law, para bago ka kumuda ay magbasa ka muna.

Mahilig kang mambalahura tapos hindi ka naman nagbabasa or nagtatanong man lang. Di ba assistant mo si suspended lawyer Trixie Angeles? Hindi ba niya naexplain sa yo kung paano magsabatas ng bill? Eto ha kinuhanan kita ng diagram, para madali mong maintindihan. Resibo.

Advance lecture yan sa Statutory Construction at sa Constitutional 1. Wag ka nang mag thank you, ok na yan.

Next time, beshie, bago kumuda, magbasa. Sabi nga ng Mama ni Senator Grace, na si Susan Roces, “Wag Mahiyang Magtanong”.

Kakaloka ka.

Yamot sa Pabibong Tamad Magbasa,
PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *