Dear Lisa Macuja Elizalde

Dear Lisa Macuja Elizalde,

First, gusto ko pong magpasalamat sa mga binigay nyong karangalan sa ating bansa sa larangan ng ballet. Naging isang mabuting ehemplo din po kayo sa kababaihan, bilang isang babae, bilang isang asawa at bilang isang ina.

Hindi ko po alam kung nakita niyo na po ang video ng episode ni Mocha sa DZRH na pag aari ng pamilya nyo po. Sa video pong ito pinagmumura niya si Vice President Leni Robredo. Watching the video mangingilabot po kayo sa kung gaano po kabastos at kabalahura na lumabas ang programa.

Ms. Lisa, bilang isang babae alam nyo po sa puso nyo na this video is so wrong in so many levels po. Alam ko po hindi po ito ang values ng DZRH dahil hindi ko po nakita ito sa pamilya nyo po. Kahit gaano po kayo kayaman yung humility at pagmamalasakit sa kapwa ay nasa puso at pagkatao nyo pa rin po.

Tulad ni VP Leni Robredo, ina din po kayo. Walang sinumang Ina ang deserving na murahin, pagsabihan ng tanga at bobo kahit gaano pa kasikat ang magsabi nito. Sana po hindi magamit ang radio station nyo na platform ng pangungutya at panlalait sa kapwa babae. If Mocha hate VP Leni as a person sana man lang po nirespeto niya ang position bilang panglawang pangulo ng bansa. I’m sure po yung respeto ay nasa values ng DZRH kasi po most of your broadcaster, are responsible naman sa pagbabalita, except one.

Kung nasasaktan ang ibang tao, lalo na siguro ang mga anak ni VP Leni. Ms. Lisa kung may Sasha, Missy at Mac po kayo, si VP Leni po ay may Aika, Tricia at Jillian. Ang kaibahan lang ang mga batang ito ay wala nang ama na magtatanggol sa kanila. Imagine po kung gaano kasakit sa kanila ang marinig sa radyo or makita sa FB na minumura ang Nanay nila nang isa sa mga empleyado nyo? Ang sakit siguro sa mga bata.

Ms. Lisa, alam ko po it is beyond your control at hindi nyo po ginusto ang nangyari. Pero sana maipakita nyo po sa mga tumatangkilik sa DZRH na your station promotes respect and unity. Maaring nagdadala si Mocha ng pera sa company nyo po, pero ano po ang silbi ng pera kung masisira din naman ang pangalan ng DZRH na ilang dekada nyo din pong inalagaan. Hindi po maiiwasan na madrag po ang company at may ari sa kabastusan ni Mocha kasi po ang platform niya po sa pangungutya at pambabastos ay ang station nyo.

Ms. Lisa, alam ko po na may mabuti kang puso. Hinihiling ko lang po sana na maging fair and just yung gagawin niyong action sa ginawa ni Mocha Uson.

Bilang babae, bilang ina at higit sa lahat bilang Filipino wag po nating hayaan maghari ang kabastusan sa bansa natin.

HINDI PO BASTOS ANG PINOY. 😊

God bless po sa inyo at sa family nyo po.

P.A.B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *