China o Pilipinas, Mr. President?

Dear KaPAB,

Independence ngayon, syempre wala na naman sa eksena ang Presidente.

Sa Luneta, si VP Leni Robredo ang nagbigay pugay sa Araw ng Kalayaan.

 

 

Sabi sa Davao daw aattend, pero mukhang di na naman nagising.

 

 

Si Mayor Sara at si Senator-elect Tolentino ang umattend.

Minsan maiisip mo, mabuti pa si Jollibee, may paggalang sa kasarinlan.

 

 

Tapos nagkaroon pa ng masamang balita.

 

Nilunod ng isang Chinese vessel ang bangka ng mga kababayan natin.

Ang masaklap kasi iniwan lang nila, kung hindi pa dumating ang isang Vietnamese vessel baka tuluyang napahamak ang mga tripulante sa nilunod na banka. Ang sama lang di ba?

Sino kaya kakampihan dito ng Presidente? Kaya pa ba nating tiisin ang ginagawa ng China? Ano kaya reaksyon ni Secretary Lorenzana?

Happy nga ba ang Independence Day natin?

 

Yamot Sa Traydor,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *