“Binenta” Na Ang Pilipinas, Tatahimik Ka Pa Rin Ba?

Dear KaPAB,

Para malinawan tayo sa issue hayaan niyong ishare ko sa inyo ang mga tweets ni Mike Navallo, isang reporter.

1. “Nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng kunin ng Tsina ang gas sa Reed Bank kung hindi makapagbayad ang Pilipinas sa $62M na utang mula sa Tsina para sa Chico River Pump Irrigation Project. 

 

2. Ipinakita ni Carpio ang bahagi ng loan agreement kung saan pumapayag ang Pilipinas na habulin ng Tsina ang mga pribadong pag-aari ng bansa at ‘yung nakalaan sa komersyal na paggamit tulad ng gas sa Reed Bank na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

 

3. “Noong 2016, idineklara ng Permanent Court of Arbitration sa The Netherlands na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa ang Reed Bank. Ibig sabihin, sakop ito ng 200 nautical miles mula sa baseline ng bansa at tanging Pilipinas lang ang pwedeng gumamit sa natural resources nito”

 

4. Tinatayang aabot sa 5.4 billion barrels ng oil at 55.1 trillion cubic feet ng natural gas ang matatagpuan sa Reed Bank.

Babala ni Carpio, batas ng Tsina ang susundin sa loan agreement at kung may gusot, sa Beijing gagawin ang arbitration sa ilalim ng panuntunan ng China International Economic and Trade Arbitration Commission (CIETAC).

Eto ang loan agreement.

 

5. Sabi pa ni Carpio, walang pag-asang mananalo sa arbitration ang bansa dahil laging Tsina ang may hawak sa mayorya ng arbitration panel na may 3 miyembro. Kapag walang kaparehong arbitrator na imumungkahi ang 2 bansa, ang pinuno ng CIETAC (na Tsino) ang pipili ng pinuno ng panel.

6. Kinwestiyon din ni Carpio ang confidentiality clause sa loan agreement na labag umano sa Konstitusyon. May karapatan kasi ang taumbayan na makakuha ng impormasyon at kopya ng mga dokumento hinggil sa mga usaping pampubliko sa ilalim ng Saligang Batas.

 

7. Kinwestiyon din ni Carpio ang confidentiality clause sa loan agreement na labag umano sa Konstitusyon. May karapatan kasi ang taumbayan na makakuha ng impormasyon at kopya ng mga dokumento hinggil sa mga usaping pampubliko sa ilalim ng Saligang Batas.

 

Mga KaPAB, binenta na tayo, drama lang pala ang jetski. Importante ang boto natin para magkaroon ng balance ang gobyerno. Yung mga senador gaya ng mga PDP Laban at Hugpong Pagbabago dapat hindi natin ito Iboto, kasi tahimik sila sa pambebenta sa atin sa China.

Kung mahal mo ang bayan mo, Iboto mo ang Otso Diretso sa Mayo.

 

 

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

P.S.

PAGTUTUWID: Ang Tribunal in the South China Sea Arbitration ang naglabas ng 2016 ruling at ang Permanent Court of Arbitration ang nagsilbing registry ng mga proceedings.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *